• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

James Yap maglalaro uli para sa PBA

Nakatakdang bumalik si James Yap matapos pumirma ng one-conference deal sa Rain or Shine.

 

Inanunsyo ng koponan ang pagpirma, idinagdag na ang Elasto Painters ay nais ng isang taong deal, ngunit pinili ni Yap na pumirma ng mas maikling deal.  Si Yap ay isa ring concurrent councilor ng San Juan City.

 

Sa kasunduan, si Yap ay nakatakdang lumaro para sa Elasto Painters sa darating na Governors’ Cup.

 

Huli siyang naglaro para sa ballclub noong 2021 Philippine Cup sa semi-bubble ng Bacolor.

 

Sinabi ng Rain or Shine na “gagawin ni Yap ang kanyang makakaya upang balansehin ang basketball at serbisyo publiko.”

 

Ang 40-anyos na si Yap ay sumasali sa Rain or Shine practices simula nang ipagpatuloy nila ngayong taon. Bago pa man iyon, ang two-time PBA MVP ay nag-eehersisyo at paminsan-minsan ay sumasali sa koponan sa bench.

 

Si Yap ay kasalukuyang nasa ika-apat sa all-time three-points made list na may 1,170, isang marka na kamakailan ay nalampasan ng beterano ng Barangay Ginebra na si LA Tenorio. (CARD)

Other News
  • Gobyerno, target na malampasan ang 100% rice self-sufficiency- PBBM

    TARGET ng pamahalaan na malampasan ang 100-percent rice self-sufficiency gamit ang agricultural initiatives nito.     Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang weekly vlog na ipinalabas, araw ng Sabado.     Sinabi ng Pangulo na itinutulak ng kanyang administrasyon ang iba’t ibang proyekto at programa na makatutulong sa mga Filipino […]

  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, naghanda ng vaccination plan para sa mga Bulakenyo

    LUNGSOD NG MALOLOS – Bago ang pagdating ng unang pangkat ng COVID-19 vaccines, ibinahagi ni Gob. Daniel R. Fernando ang pangkalahatang vaccination plan ng Lalawigan ng Bulacan sa isang virtual press briefing sa pamamagitan ng Zoom application sa pangunguna ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, Jr. noong Huwebes.     Sa kanyang presentasyon sa pagpupulong, sinabi ni Fernando na nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan […]

  • Pinoy boxer Eumir Marcial, agad pinagbagsak ang Algerian foe sa 1st-rnd, pasok na sa quarterfinals

    Hindi na pinatagal ni Eumir Marcial ang laban at agad na tinapos sa pamamagitan ng technical knockout o referee-stopped-contest (RSC) sa unang round pa lamang sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics.     Sa pagsisimula pa lamang ng laban sa loob ng isang minuto ay pinabagsak ni Marcial si Younes Nemouchi ng Algeria dahilan para bilangan […]