Phoenix Suns nalusaw kay Jimmy Butler, Heat
- Published on January 9, 2023
- by @peoplesbalita
SINANDALAN ng Miami Heat si veteran scorer Jimmy Butler upang pasukuin ang Phoenix Suns, 104-96, sa 2022-2023 National Basketball Association (NB) regular season game kahapon.
Tumikada si Butler ng 20 puntos, anim na assists at limang rebounds upang tulungan ang Heat na ilista ang 21-19 karta at hawakan ang No. 8 spot sa Eastern Conference.
Nakatuwang ni Butler si Victor Oladipo matapos umiskor ng season-high 26 points off the bench, bumakas naman si Bam Adebayo ng 21 markers at 11 boards.
“There are some good things happening,” saad ni Fil-Am Heat head coach Erik Spolestra. “And that’s with a lot of moving parts, guys in and out of the lineup. More than anything, I respect that our guys are not making excuses for the moving parts.”
Dominado ng Heat ang buong laban, hawak nila ang bentahe sa simula pa lang ng bakbakan, malaking tulong sa kanila sina Butler at Oladipo.
“He’s been getting more comfortable, more confident and getting his legs under him,” patungkol ni Spolestra kay Oladipo. “He’s a big-time X-factor for us on both sides of the floor.”
Maagang ipinaramdam ng heat ang init ng kanilang opensa nang hawakan ang pitong puntos na bentahe, 30-23, sa pagtatapos ng first quarter.
Sa second half ay sinabayan na lamang ng Miami ang bilis ng Phoenix kaya nanatili ang kanilang bentahe sa fourth period. (CARD)
-
Irving nagmatigas, hindi pa magpapabakuna
NAGMATIGAS ngayon ang NBA superstar na si Kyrie Irving na hindi pa rin nagbabago ang kanyang paninidigan na hindi magpapabakuna. Ginawa ni Irving ang pahayag kasunod na rin ng report na aabutin ng mahigit sa isang buwan na mawawala ang kanilang main man na si Kevin Durant dahil sa injury. Sa […]
-
Ads September 27, 2021
-
Philippine Charity Sweepstakes Office, todo pasalamat sa PNP na paiigtingin ang pagsugpo sa illegal gambling
IKINATUWA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pangako ng Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang kanilang pagsugpo sa illegal gambling sa bansa. Makakatulong ito sa ahensya na makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa publiko. Kung matatandaan, nagbigay ng pangako si PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. kay Philippine Charity […]