• April 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo malabo para sa Asian Games SEAG

MALABONG maipagtanggol ni 2020+1 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang kanyang mga titulo sa darating na 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia, maging sa pagsabak sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China ngayong taon dulot ng mga nakatakdang lahukang kwalipikasyon para sa 2024 Paris Olympics.

 

Isiniwalat ni head coach Julius Naranjo na wala pang kasiguruhan ang paglahok ng kanyang sa dalawang pangunahing kumpetisyon dahil pagutuunan nila ng pansin ang Asian Championships, na isa sa mga qualifying tournament para sa Summer Olympic Games na nakatakdang simulan sa Hulyo 26 at magtatapos sa Agosto 11, 2024 sa Paris, France.

 

“I think at this moment, I can’t give a clear answer, because it conflicts with the World Championships, and the Asian Games conflicts is also quite near to another competition that we’re hoping to go for, so at this moment we’re still undecided, but seemingly so, that it my not be possible for us to compete in those competitions, unless there’s a big change,” pahayag ni coach Naranjo kahapon sa programang Power ‘N Play ni dating PBA commissioner at former PSC chairman Atty. Jose Emmanuel “Noli” Eala.

 

Nakatakdang ganapin ang Asian Championships sa Mayo 3-13 sa Jinju, South Korea na ilang araw ang diperensiya sa biennial meet na gaganapin naman sa Mayo 5-17.

 

Ang World Championships naman sa Riyadh, Saudi Arabia ay magbubukas sa Setyembre 2-17, na kasunod naman ang Hangzhou Games sa Setyembre 23-Oktubre 8.

 

“Alam na po namin and pinili po namin na to prepare on Olympic qualifying at iyun ang priorities eh, and at the end of the day, ang finish line is Paris 2024, so we choose to compete in Olympic qualifying which is quality over quantity, kasi kung mas kaunti iyung competition, mas makapag-prepare at mas lalong mabi-build up iyung strength at katawan na rin,” wika ni Diaz-Naranjo.

 

Sinabi naman ni Samahan ng Weightlifting ng Pilipinas Inc, President Monico Puentevella sa panayam ng Abante Sports sa telepono na nagsimula na silang humanap ng ibang pamamaraan at panibagong aasahang mga weightlifter na magbibigay ng medalya at hahalili sa pwestong iiwan ni Diaz-Naranjo sakaling hindi ito tumuloy na sumabak sa parehong SEA Games at Asian Games.

 

“We have other chances for SEA Games too, and we’re trying to look for a way to accommodate both SEA Games and Asian Championships [for Hidilyn]. Vanessa (Sarno), Ando (Elreen), Faustino (Rosalinda) and Macrohon (Kristel) have good chances too, and we still have a try out for the men’s,” saad ni Puentevella. (CARD)

Other News
  • Mabilog ibinunyag planong akusahan sina Roxas, Drilon na sangkot sa illegal drugs sa Duterte admin

    IBINUNYAG ni dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog sa House Quad Committee ang planong akusahan na sangkot sa iligal na droga sina dating senators Mar Roxas at Franklin Drilon nuong panahon ng Duterte administration.     Matapos ang pitong taon na self-imposed exile sa Amerika, tumestigo kaugnay sa kaniyang kinaharap na political pressure matapos mapa […]

  • Mahigit 200 kaso ng monke mundo – EU disease agency

    UMAABOT na sa kabuuang 219 ang kumpirmadong kaso ng monkeypox virus sa buong mundo ayon sa inilabas na update report mula sa European Union disease agency.     Mahigit sa isang dosenang mga bansa na nakapagtala ng monkeypox ay sa Europa na walang direktang epidemiological links sa West o Central Africa kung saan ang disease […]

  • ‘Sine Sandaan’, magtatapos sa bonggang closing ceremony at virtual concert

    SINA Lani Misalucha, Gary Valenciano, Martin Nievera, Isay Alvarez, Robert Seña, The Company, at Lea Salonga kasama ang Acapellago ang mga headliners sa “Sine Sandaan: The Next 100 Closing Ceremony.”   Ang two-hour virtual event na ito ay iho-host at i-stream online ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ngayong 8 p.m. (September 30) […]