• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa pahayag ni Manny laban sa LGBTQ+ community… Fil-Am actor na si DAVE, inaming pinatungan ang team logo tattoo

INAMIN ng Filipino-American wrestler-turned-Marvel actor na si Dave Bautista na pinatungan niya ng ibang design ang dati niyang tattoo na team logo ni Manny Pacquiao.

 

 

Sa interview ng Guardians of the Galaxy Vol. 3 star with American magazine GQ na naka-post sa TikTok, hindi binanggit ni Bautista ang pangalan ni Pacquiao tungkol sa kanyang tattoo sa braso.

 

 

Ayon kay Bautista, itinuturing niyang kaibigan at tinitingala noon si Pacquiao, pero nagbago umano ang pagtingin niya dito dahil sa pahayag nito laban sa LGBTQ+ community.

 

 

“I was part of a team of a person I considered a friend and someone I really looked up to. And then, he later came out publicly with some anti-gay statements and turned out to be an extreme homophobe.

 

 

“So, I had a huge issue with it. It’s a personal issue with me, my mom’s a lesbian. And I just could no longer call him a friend,” diin pa ni Bautista na kasalukuyang ginagawa ang pelikulang Dune: Part Two.

 

 

Taong 2016 nang magbigay ng kontrobersiyal na pahayag si Pacquiao tungkol sa LGBTQ+ community. Nasabi rin niya na tutol siya sa same-sex marriage.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ads September 16, 2021

  • Arbitral victory ng Pilipinas noong 2016 laban sa China, isa lamang papel na maaaring itapon sa basurahan- PDu30

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang arbitral victory ng Pilipinas noong 2016 laban sa malawak na pag-angkin ng China sa West Philippine Sea na nakadulog sa United Nations ay “isa lamang papel na maaaring itapon sa basurahan.”   “Sa totoong buhay, ‘yang papel, wala ‘yan… Sa usapang bugoy, sabihin ko sa’yo, ibigay mo […]

  • MGA PASAHERO sa KAHABAAN ng COMMONWEALTH AVENUE, PATULOY ANG SAKRIPISYO SA PAGSAKAY ng PUBLIC TRANSPORT

    Ang Commonwealth Avenue ang sinasabing pinakamalapad na highway sa Metro Manila.  Naguumpisa ito sa may Quezon Memorial Circle hanggang sa may Quirino highway.   Ang kabuuan nito ay sakop ng Quezon City at ang kabilaang banda ay ang pinakamalalaking barangay ng Quezon City – Old Capitol site, San Vicente, UP Campus, Culiat, Matandang Balara, Commonwealth, […]