• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ryan Garcia: Target kong ma-knockout ang ‘hero’ kong si Pacquiao

Hindi umano mag-aatubili ang American boxer na si Ryan Garcia na i-knockout ang kanyang “hero” na si Sen. Manny Pacquiao kung sakaling matuloy ang pinapangarap nitong laban kontra sa Fighting Senator.

 

 

Ayon kay Garcia, kahit ano pa mang klase ng laban ang mapagkakasunduan nila ni Pacquiao ay kanya raw sisikapin na mapatumba ang Pinoy ring icon.

 

 

“The fight is going to be a fight. Whether they named it an exhibition or a real certified match, I’m throwing punches like I’m trying to knock Manny Pacquiao out,” wika ni Garcia.

 

 

Sa ngayon kasi ay hindi pa malinaw kung tunay na professional bout o isa lamang exhibition match ang nilulutong laban.

 

 

Sa usapin naman ng timbang, naghayag ng kahandaan si Garcia na umakyat ng weight division kung ito raw ang gugustuhin ni Pacquiao.

 

 

Inihayag din ng unbeaten lightweight champion na babasag daw ng record ang magiging laban nila ni Pacquiao.

 

 

Sa kasalukuyan, tikom pa rin ang bibig ng kampo ni Pacquiao tungkol sa isyu.

Other News
  • Gross domestic product sa Pilipinas inaasahang lalago – World Bank

    KUMPIYANSA ang World Bank na makakabawi ang Pilipinas sa consumption   Ang consumption o pagkonsumo ay tumutukoy sa mga private consumption expenditures o paggasta ng mga mamimili.   Sa ulat ng East Asia at Pacific Economic Update Oktubre 2022 na inilabas, inaasahan na ngayon ng World Bank ang paglago ng gross domestic product (GDP) ng […]

  • PDu30, nilagdaan ang mga batas na lumilikha sa LTO, LTFRB district offices

    TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 14 na batas na naglalayong magtatag ng district offices ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa 13 lalawigan sa bansa.     Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Acts (RA) 11737, 11738, 11739, 11740, 11741, 11742, 11743, 11744, 11745, 11746, 11747, […]

  • High-class male prosti ang papel sa ‘Lovers/Liars’: KIMSON, maraming beses nang naligawan ng bading pero walang pinatulan

    SA panahon ngayon, lalo sa showbiz, na very much accepted ang mga members ng LGBTQ+ community, isa sa mga out and proud na lesbian, tulad rin nina Michelle Marquez Dee at Klea Pineda, si Rikki Mae Davao na anak nina Ricky Davao at Jackielou Blanco.   Nasa high school si Rikki Mae noong nag-out siya […]