• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa mahusay na pagganap sa ‘Triangle of Sadness’: DOLLY, patuloy ang pamamayagpag dahil sa sunud-sunod na nomination

MARAMI ang natuwa sa cute na baby girl nila Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na si Dylan Jayde na unang lumabas ang photo noong November 2022. 
Naulit ito noong Christmas at sa beach getaway nila noong Bagong Taon.

Nagkaroon tuloy ng debate sa social media kung sino nga ba kina Dennis at Jennylyn ang mas kamukha ni Baby Dylan?

Ayon sa ‘Maria Clara At Ibarra’ star, hati raw ng features nila ang nakuha ni Dylan. Pero gusto nila na makuha rin ni Dylan ang personalities nilang mag-asawa lalo na yung pagiging masipag, mapagmahal at kayang gawin ang kahit na ano.

Parehong hands-on nga raw sa pag-alaga kay Dylan sina Dennis at Jen kaya alam nilang lalaki itong independent pero malambing sa kanilang dalawa.

Anyway, magbabalik na rin sa paggawa ng teleserye si Jen sa taong ito kaya naghahanda na ito physically and emotionally dahil may mga pagkakataon na iiwan muna niya sa bahay si Dylan para magtrabaho.

Si Dennis naman ay kahit busy sa ‘Maria Clara at Ibarra’, nababalanse niya ang pagiging ama sa anak nila ni Jen. Mapapanood din pala si Dennis bilang si Dr. Ned Armstrong sa live-action adaptation series na ‘Voltes V: Legacy.’

***

PATULOY ang pamamayagpag ni Dolly de Leon dahil sa sunud-sunod niyang natatanggap na nomination para sa performance niya sa pelikulang ‘Triangle of Sadness’.

Kelan lang ay naging runner-up winner siya as best supporting actress sa 57th National Society of Film Critics sa Amerika. Nakasama niya bilang runner-up ay si Nina Hoss for Tár. Ang nanalo naman ay si Kerry Condon for The Banshees of Inisherin.

Ngayon ay nakasama si Dolly sa longlist for Best Supporting Actress sa 2023 British Academy Film Awards (BAFTA). Kasama rin sa longlist ay sina Angela Bassett (Black Panther: Wakanda Forever), Hong Chau (The Whale), Kerry Condon (The Banshees of Inisherin), Jamie Lee Curtis (Everything Everywhere All At Once), Lashana Lynch (The Woman King), Janelle Monáe (Glass Onion: A Knives Out Mystery), Carey Mulligan (She Said), Emma Thompson (Roald Dahl’s Matilda The Musical) and Aimee Lou Wood (Living).

According to the website of BAFTA: “Members of the Acting Chapter vote to determine the longlist (of which the top three are nominated). A longlisting jury selects a further three performances to create a longlist of 10. A nominating jury then selects three performances from the longlist to make-up a nominee list of six performances. In the final round, all film voting members vote to determine the winning performance. Up to 260 performances were submitted for consideration.”

The official list of nominations will be announced on January 19 and the ceremony will take place on February 19.

In the running naman si Dolly for best supporting actress para sa 43rd annual London Critics’ Circle Film Awards at Golden Globe Awards.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • 6 arestado sa sugal at shabu sa Malabon

    Arestado ang anim na sugarol kabilang ang apat na babae matapos makuhanan ng shabu sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon city.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Joel Mahusay, 43, (user), Benjamin Dela Cruz, 22, garbage trader, Jean Rose Almonte, 21, Elsie […]

  • Bahay ng pulis pinasok ng kawatan, baril at P30K cash natangay

    NATANGAY ng hindi pa kilalang magnanakaw ang issued firearm, P30,000 cash at cellphone ng isang pulis matapos pasukin ang bahay ng biktima sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Sa pahayag ni PSSg Gorgonio Pedro Buntan III, 45, nakatalaga sa Navotas police SWAT kay PSSg Karl Benzon Dela Cruz, natutulog siya sa ikalawang […]

  • Jarencio may tagubilin sa magiging UST coach

    HANGGANG presstime nitong Huwebes ng hapon, nananatiling wala pang kapalit sa nagbitiw at naban na si Aldin Ayo para sa coach ng University of Santo Tomas men’s basketball team Growling Tigers para sa 83 rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2020-21.   Kaya magpanggang ngayon hulaann pa rin kung sa magiging bagong bench […]