• March 22, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jarencio may tagubilin sa magiging UST coach

HANGGANG presstime nitong Huwebes ng hapon, nananatiling wala pang kapalit sa nagbitiw at naban na si Aldin Ayo para sa coach ng University of Santo Tomas men’s basketball team Growling Tigers para sa 83 rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2020-21.

 

Kaya magpanggang ngayon hulaann pa rin kung sa magiging bagong bench tactician ng Growling Tigers na naging kontrobersiya dahil sa Sorsogon bubble sa kainitan ng lockdon dahil sa Covid-19 na kagagawan ni Ayo.

 

Pinipilit pa rin ng UST community kahit hindi na uubra dahil sa nagmamando na sa NorthPort Batang Pier sa Philippine Basketball Association (PBA) si Alfredo Lorenzo ‘Pido’ Jarencio. Maliban na lang kung magbitiw pero saying ang laki ng sahod sa propesyonal na liga kaysa sa pangkolehiyo lang.

 

Pero may payo na lang siya sa magiging bench strategist ng España-based hoopsters kung sino ang magiging hahalili kay Ayo.

 

“I really can’t say much, but whoever it is who would coach the UST, he should truly love the team. He should be the one who will not compromise the reputation of the team, the players and the University. He should be someone the players would look up to,” salaysay ni Jarencio.

 

Siya ang coach sa huling pagkakampeon ng USTe sa ika- 69 na edisyon ng liga sa taong 2006-07. (REC)

Other News
  • 200K National IDs ipinamahagi na

    Ipinamahagi na ang Philippine Identification System (PhilSys) cards sa may 200, 000 Pinoy na nagparehistro sa ahensiya.     Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant Secretary at Deputy National Statistician Rosalinda Bautista na iniulat sa ahensiya ng Philippine Postal Corp. (Philpost) na ang may 200,000 registrants ay tumanggap na ng kanilang ID at mayroon […]

  • HEALTH SEC DUQUE, ‘SABLAY’ SA PFIZER VACCINE

    “There’s no such a thing as somebody dropping the ball. It is really an ongoing negotiation,” ani Duque sa isang press briefing nitong Miyerkules.   Agad dumepensa si Health Sec. Francisco Duque III mula sa kontrobersyal na online post ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na naglantad sa isang opisyal na humarang umano sa dapat […]

  • DoF, aware sa $180 milyon o P9 bilyon na pinasok na pera ng mga Chinese nationals

    HINDI lingid sa kaalaman ng Department of Finance (DoF) ang $180 milyon o P9 bilyon na pinasok na pera ng mga Chinese nationals sa bansa mula Disyembre 2019 hanggang Pebrero ng taong ito.   Sinabi ni Department of Finance Asec. Tony Lambino sa Economic Briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang na inireport na ng […]