• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinabog ang mga celebrity pets: Fur baby ni TAYLOR SWIFT, nasa $97 million na ang net worth

KABOG ang ibang pets ng celebrities sa pusa ni Taylor Swift na si Olivia Benson. Ito kasi ang ikatlong pinakamayamang hayop sa buong mundo ayon sa report ng All About Cats.

 

Umaabot sa $97 million, o mahigit PhP 5.4 billion, ang net worth ng fur baby ni Taylor dahil sa social media. Ayon pa sa website, naging bahagi rin ng iba’t ibang proyekto si Olivia.

 

“With a whopping $97 million net worth, Olivia has found success outside of the world of Instagram influencing. The Scottish Fold earned her fortune starring alongside her owner in several music videos, has crafted her own merchandise line, and has had cameos in many big-budget ads, including for the likes of Diet Coke and Ned Sneakers,” ulat pa ng  All About Cats sa kanilang The Ultimate Pet Rich List: the Richest Pets in the World.

 

Napanood nga si Olivia sa ilang hit music videos ni Taylor tulad ng “Blank Space” at “ME!” Bukod kay Olivia, mayroon pang dalawang alagang pusa si Taylor na sina Meredith Grey at Benjamin Button na meron ding mga yaman na pinagmamalaki.

 

Ang number one na richest pet sa buong mundo ay ang German Shepherd na si Gunther VI, na pagmamay-ari ng the Gunther Corporation.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Parang reunion ng mga nakasama sa loob ng 25 years: DINGDONG, excited nang makapag-shoot sa bagong megaserye na ‘Royal Blood’

    PINAKITA na ang cast ng tila bagong megaserye ng GMA na may titulong ‘Royal Blood’.     Pinangungunahan ito ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at ni Mr. Tirso Cruz III.     Kasama rin sa malaking cast sina Rhian Ramos, Megan Young, Mikael Daez, Arthur Solinap, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Benjie Paras at Miss […]

  • PBBM, pinangalanan ang mga rice smugglers; nangako na hahabulin ang mga rice price manipulators

    UPANG ipakita ang kanyang malakas  na  “political will” na tapusin ang rice smuggling sa Pilipinas, isiniwalat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Miyerkules, ang mga pangalan ng mga  rice smugglers  na sumisira sa takbo ng ‘rice supply and demand’ sa merkado.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng bigas […]

  • BBM pamumunuan ang Department of Agriculture

    PAMUMUNUAN ni Presi­dent-elect Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) kasabay ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng bansa sa unang bahagi ng kanyang administrasyon.     Si Marcos mismo ang nag-anunsyo sa kanyang hahawakang posisyon bago ang kanyang panunumpa bilang pangulo sa Hunyo 30.     Ipinahiwatig ni Marcos na pansamantala lamang ang gagawin […]