PBBM, pinangalanan ang mga rice smugglers; nangako na hahabulin ang mga rice price manipulators
- Published on October 5, 2023
- by @peoplesbalita
UPANG ipakita ang kanyang malakas na “political will” na tapusin ang rice smuggling sa Pilipinas, isiniwalat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Miyerkules, ang mga pangalan ng mga rice smugglers na sumisira sa takbo ng ‘rice supply and demand’ sa merkado.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng bigas sa Taguig City, sinabi ng Pangulo na naghain na ng smuggling charges ang gobyerno laban sa San Pedro Warehouse and Blue Sakura AgriGrains Corporation, FS. Ostia Rice Mill at Gold Rush Rice Mill.
Ang mga rice smugglers ayon sa Pangulo ay sinampahan ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, Rice Tariffication Law, at Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 (Republic Act No. 10845).
“Kaya po ay ngayon ay kinasuhan na natin ang San Pedro Warehouse and Blue Sakura Agri Grain Corporation, ang F.S. Ostia Rice Mill, [at] ang Gold Rush Rice Mill ay kasalukuyang haharap sa patong-patong na mga kaso dahil sa kanilang mga ginagawa,” ayon sa Pangulo.
“Bagong Pilipinas na po tayo ngayon, at atin pong susugpuin ang mga hindi po lumalaban nang patas. Wala pong puwang sa lipunan ang mga nanlalamang at nang-aapi sa kapwa,” aniya pa rin.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay binanggit niya sa pamamahagi ng bigas sa Taguig City University Gymnasium, General Santos Avenue, Lower Bicutan sa Taguig City kung saan tiniyak niya sa mga mamamayang filipino na desidido ang gobyerno sa hakbang nito na tiyakin ang food security sa bansa.
Sa kabilang dako, ang ipinamahaging bigas sa mga residente ng Taguig ay bahagi ng smuggled rice na nasabat sa isang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) sa Zamboanga City.
Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na nais niyang magpaabot ng “strong warning” laban sa mga rice smugglers na ang administrasyon ay hindi lamang uupo at walang gagawin para tuldukan ang kanilang ilegal na gawain na labis na nakasasakit hindi lamang sa ekonomiya kundi maging sa mga mamamayang Filipino.
“Una, upang mamahagi ng bigas para sa ating mga benepisyaryo. Pangalawa, upang bigyang-diin ang ating pagsisikap sa pagsulong ng seguridad ng pagkain sa bansa. At ang panghuli ay upang iparating sa inyo na seryoso ang pamahalaan sa pagsugpo sa smuggling, sa hoarding, at iba pang ilegal na gawaing nakaaapekto sa supply at presyo ng bilihin sa merkado,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Binabalaan ko ang mga sumasabotahe sa ating ekonomiya: Kayong mga smuggler, kayong mga hoarder, at sindikato, tigilan na ninyo ang mga masama ninyong gawain,” aniya pa rin.
Samantala, sinabi naman ni Pangulong Marcos na ang rice smugglers ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 10845 at Republic Act No. 7581 (Price Act). (Daris Jose)
-
Ads August 4, 2021
-
100 staff ng PGH babakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine sa unang araw ng rollout nito
Aabot sa 100 tauhan ng Philippine General Hospital ang nabakuhanan kontra COVID-19 gamit ang gawa ng Sinovac ng China. Ayon kay PGH Director Dr. Gap Legaspi, 20 hanggang 50 doses lamang ang una nilang pinaghandaan para sa ceremonial rollout ng COVID-19 vaccination program. Subalit nabago ito matapos sabihin sa kanya ni […]
-
Nagpasalamat si Mark sa bonggang regalo: MICHELLE, may customized Barbie Doll na suot ang Whang-Od inspired gown
MAY sarili ng Barbie Doll si Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee at suot ng doll ang Whang-Od inspired evening gown na gawa ni Mark Bumgarner. Regalo ito kay MMD at Mark ng Miss Universe Philippines Director of Communications Voltaire Tayag. “My thank you gift to Michelle for having […]