• March 28, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Padrino system, no way sa DMW sa harap ng target nitong makapag-hire ng may 1 libong personnel ngayong taon

IGINIIT ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople na no way sa kanila at hindi uubra  ang padrino system sa  harap ng 1 libong mga bakanteng posisyon na kanilang bubuksan ngayong taon.

 

 

Sinabi ni Ople na  sa kuwalipikasyon ng isang aplikante sila titingin upang ito ay kunin para maging bahagi ng DMW.

 

 

Nais aniya nilang maging competitive at pairalin ang professionalism sa kanilang hanay kaya’t kanila aniyang ibabase ang pagkuha ng kanilang magiging empleyado sa qualification at hindi dahil sa backer o padrino nito.

 

 

Ang bubuksang mga posisyon ay gagawin sa harap ng kailangang manpower na inaasahang idedeploy sa 16 na regional offices ng Department of Migrant Workers.

 

 

“This year, we will also be establishing 16 regional offices. We also need to fill-up around 1,000 vacancies; so doon po sa gustong magtrabaho sa Department of Migrant Workers, pakiabangan na lang po iyong aming announcement ng vacancies which we will also need to clear and coordinate this information with the Civil Service,” aniya pa rin

 

 

Kaya sa mga nais aniyang pumasok sa DMW, ang pakiusap pa ni Ople ay ‘pakiabang’ na lang habang patuloy ang kanilang koordinasyon sa Civil Service Commission o CSC para sa gagawing pagpupuno sa may isang libong item sa kanilang Kagawaran.

 

 

“Of course, may need kami for lawyers, may need din kami for even entry level staff, iba-iba eh, something as basic as iyong social media team namin. So kung mayroon ditong aplikante, please let me know. Need din namin ng writers, so but siyempre mas klaro pati kung anong salary grade iyong mga qualifications, lahat iyan ilalabas namin in the spirit of transparency and  inclusivity and  even iyong mga  ex-OFWs, if they want to apply or even if they are abroad  and they want to apply. I mean, the door is open, iyon  na nga, ano lang, siyempre competitive iyan and we want a very professionally- run department,” litaniya ni Ople.

 

 

“So, iyong padrino system, puwedeng ano muna, we will look at the qualifications of each candidate,” pahayag ni Ople. (Daris Jose)

Other News
  • LAOGAN, BAGONG DEPUTY COMMISSIONER NG BI

    ITINALAGA sa Bureau of Immigration (BI) si Daniel Y. Laogan bilang bagong Deputy Commissioner.     Si Laogan na isang Abogado by profession ay nagtapos ng Commerce mula sa University of Sto Tomas (UST), kumuha rin ito ng Master of Science in Commerce sa nasabi ring unibersidad at nagtapos ng Abogasya sa Ateneo de Manila […]

  • Babala ni VP Sara, 200 OVP personnel maaaring mawalan ng trabaho dahil sa budget cut

    NAGBABALA si Vice President Sara Duterte na posibleng mawalan ng trabaho ang 200 empleyado mula sa Office of the Vice President (OVP) sa gitna ng kapos na alokasyon para sa taong 2025. Sinasabing P733-million na panggastos lamang para sa Office of the Vice President (OVP) ang inaprubahan ng mga senador sa loob lamang ng 10 […]

  • Gumamit ng teknolohiya para labanan ang krimen, magsilbi sa mga Filipino

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 223 bagong uniformed personnel sa ilalim ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Layag-Diwa” Class of 2024 na gamitin ang teknolohiya sa paglaban sa krimen at pagsisilbi sa mga mamamayang Filipino.     “Most of you were born when the internet was no longer in its infancy, and you […]