• May 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LAOGAN, BAGONG DEPUTY COMMISSIONER NG BI

ITINALAGA sa Bureau of Immigration (BI) si Daniel Y. Laogan bilang bagong Deputy Commissioner.

 

 

Si Laogan na isang Abogado by profession ay nagtapos ng Commerce mula sa University of Sto Tomas (UST), kumuha rin ito ng Master of Science in Commerce sa nasabi ring unibersidad at nagtapos ng Abogasya sa Ateneo de Manila University at pumasa sa Bar sa taong 1982.

 

 

Bukod sa kanyang mga karanasan sa private ang public sector, nagtrabaho rin ito bilang Regent ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila   at naging propesor ng law in taxation sa College of Law sa Adamson University.

 

 

Dati siyang Director ng Philippine Savings Bank,  National Food Authority, at Development Bank of the Philippines. Naging Senior Adviser for Investment and Promotions and Investor Relations sa  Manila Economic and Cultural Center.

 

 

Bago ang kanyang appointment bilang Deputy Commissioner, siya ay Director ng Philtrust Bank, at Senior Adviser  ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. Nagsilbi rin siyang President Emeritus ng Chinese Filipino Business Club, Inc. at  Chairman and President ng Addmore Group of Companies, at managing partner siya ng Daniel Y. Laogan Law Offices.

 

 

Sa  pagkakahirang kay Laogan, na kumpleto na ang tatlong miyembro ng board of commissioners, kabilang ang commissioner at dalawang deputy commissioners na kasalukuyang hawak ni Commissioner Norman  Tansingco at Deputy Commissioner Joel Viado. GENE ADSUARA

Other News
  • NCR Plus bubble, posibleng isailalim sa GCQ- Sec. Roque

    MAAARING ilipat sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at apat na kalapit- lalawigan na mas kilala bilang “NCR Plus bubble” matapos ang Mayo 14, 2021.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, batay sa “formula,” gaya ng health care utilization rate, daily attack rate, at reproduction number, posible na isailalim sa GCQ ang […]

  • Top 10 priority list ng PDEA Pro MIMAROPA, nabitag sa Caloocan

    ISANG lalaki na kabilang sa top 10 priority list ng PDEA Pro MIMAROPA at listed bilang High Value Individual (HVI) ng Oriental Mindoro Provincial Police Office ang nasakote ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado bilang si John Paul Villafuerte alyas […]

  • Google, YouTube hinto muna sa pol ads

    Pansamantalang ihihinto ng internet giant Google kasama ang sikat na platform na YouTube ang pagtanggap ng mga political ads pagsapit ng ‘campaign period’ sa 2022.     Sa pahayag ng ­Google, epektibo ito sa mga election ads na binayaran sa Google Ads, Display, Video 360.     Maging sa mga shopping platforms na pino-promote naman […]