LTFRB nagsimula nang mamahagi ng fuel subsidy sa mga tricycle drivers
- Published on January 13, 2023
- by @peoplesbalita
NAGSIMULA nang mamahagi ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng fuel subsidies sa mga tricycle drivers mula sa Metro Manila, Central Luzon at Ilocos Region.
Bawat isang kwalipikadong tricycle driver ay makakatanggap ng P1,000 na fuel subsidy mula sa LTFRB. Ang pondo ay mula sa binigay ng Land Bank of the Philippines na nagkakahalaga ng P10.3 million.
“This is the LTFRB’s fuel subsidy program that aims to ramp up support for public utility vehicle drivers affected by the soaring cost of fuel,” wikani LTFRB chairman Teofilo Guadiz.
Ang lahat na kwalipikadong tricycle drivers sa ilalim ng nasabing programa ay kinilala ng LTFRB at Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan sila ay makakatanggap ng fuel subsidies sa pamamagitan ng over-the-counter transactions sa mga designated branches ng LBP.
“A representative from covered local government units will be present during the scheduled distribution of the fuel subsidy to verify the eligibility of the beneficiaries,” dagdag ng LTFRB.
Ang LTFRB at DILG ang siyang magbibigay ng impormasyon sa mga kwalipikadong beneficiaries tungkol sa detalye ng pamimigay upang masiguro ang tamang pamamahagi ng fuel subsidy.
Kasama sa mga detalye na ibibigay ng LTFRB at DILG ay ang schedule ng pamamahagi, designated LBP branches na malapit sa mga beneciaries, at ang mga kailangan ibigay na dokumento na magpapatunay na sila ay ang kwalipikadong beneficiary natatanggap ng fuel subsidy.
Samantala, sa LTFRB pa rin, sinabi ni Guadiz na kanilang reresolbahin hanggang katapusan ng buwanang problema sa karagdagang charges ng ride-hailing firm na Grab na pinapataw nito sa mga pasahero.
Sa ngayon, ang Grab ay nagpapataw ng karagdagang surge charges tulad ng minimum P85 na pasahe at karagdagang stop base fare.
“We will come up with the decision by the end of January. Its not only during the Christmas season that we have this issue on surge fess imposed on commuters. These are never ending issues that continue to hound the riding public so we need to address these immediately,” dagdag ni Guadiz.
Saad ni Guadiz na ang LTFRB ay magdedesisyon kung papayagan, di papayagan o babaguhin ang karagdagang charges na kinokolekta ng Grab sa mga pasahero. Sa ngayon, ang Grab ay hindi pa nagbibigay ng data tungkolsa minimum at additional base fares naayon sa LTFRB ay hindi kasama sa naaprubahan na fare matrix sa transport network companies (TNC).
Tinitingnan din ng LTFRB kung ang Grab ay lumabag sa LTFRB memorandum na nilabas noong 2019 na siyang basehan ng fare structure para sa TNCs. LASACMAR
-
Spa sa QC na pinuntahan ng unang Mpox case sa bansa, ipinasara
IPINAG-UTOS ng Quezon City Government ang agarang pagpapasara ng AED Infinity Wellness Spa matapos matuklasan na galing dito ang unang pasyente ng MPOX sa bansa. Dagdag pa riyan ay nadiskubre rin ng Quezon City Government na walang kaukulang business permit ang naturang establisimyento. Ayon kay Mayor Joy Belmonte, bukod sa wala […]
-
2 drug suspects nalambat sa Navotas buy bust, P400K shabu nasamsam
MAHIGIT P.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang umano’y tulak ng illegal na droga na natimbog sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas […]
-
Ads March 14, 2022