WALANG 3RD TRANCHE NG SOCIAL AMELIORATION PROGRAM
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
NILINAW ni DSWD Spokesperson Director Irene Dumlao na walang 3rd tranche ng Social AmelioraTion Program , sa isang media forum ng National Press Club (NPC).
Sinabi ni Dumalo sa National Press Club (NPC) forum na sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act, mandato ng DSWD na magbigay lamang ng dalawang tranches.
Sinabi ni Dumlao na sa unang tranche ay nakipag-ugnayan ang DSWD sa mga local government units (LGUs) kung saan nakapamahagi ng P99.9 bilyong ayuda sa higit na 177.6 milyong low income families.
Habang sa 2nd tranche naman ay mahigit P83.7 bilyon emergency subsidy na ang naipamahagi sa mahigit na 14 miylong low income families na kuwalipikadong makatanggap ng ayuda.
Sinabi ni Dumlao na nagkaroon din ng validation upang matukoy kung may duplication sa aplikasyon ng SAP.
Aniya kung nakatanggap na sa DOLE, DA, SSS o kaya may 4Ps ay hindi mabibigyan ng emergency subsidy.
Ang iba naman ay iba ang ibinigay ng impormasyon kaya hanggang ngayon ay wala pang natatanggap.
Nasa P6 bilyon umano ang ibinigay na pondo sa DSWD para maipamahagi sa mga low income families na nakatira sa granural lockdown areas .
Hanggang nitong Disyembre 3 , sinabi ni Dumlao na mahigit P232.7 milyon na ang emergency subsidy ang naipamahagi na sa mahigit 33 libong pamilya gayundin sa mahigit 7,500 na low income families na nakatira sa granural areas ay nabigyan na rin ng tulong na aabot naman sa P42 milyon ang naipamahagi.
Paliwanag nito, ito ay ang pondo sa usapin ng SAP kaya naiintindihan aniya ang usapin na nabanggit ng mga senador sa isang pagdiniog sa senado. (GENE ADSUARA)
-
Chiz sa LTO: Tukuyin may-ari ng SUV na may plate number 7
PINALALANTAD ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang may-ari at driver ng sports utility vehicle na may plate number 7 na pumasok sa exclusive bus lane at tinangka pang managasa ng isang babaeng traffic enforcer. Kinalampag din ni Escudero ang Land Transportation Office (LTO) para matukoy ang may-ari at gumagamit ng sasakyan. “I […]
-
Mag-move on na at pagtuunan ang gagawin ni Pres. BBM: AGOT, no regrets sa pagsuporta kay VP LENI kahit ‘di nanalo
HINDI man nagwagi bilang pangulo si Vice President Leni Robredo na sinuportahan niya nang todo, wala naman regrets si Agot Isidro sa kanyang naging desisyon. Alam niya na pumanig siya sa tamang choice at kung hindi siya nagwagi, alam niya na nasa matuwid ang kanyang ipinaglabang kandidato. Move on na raw […]
-
Laban ni Mayweather sa Dubai hindi natuloy
IPINALIWANAG ng organizer ng exhibition fight ni retired US boxer Floyd Mayweather ang hindi pagtuloy ng nasabing laban sa Dubai. Ayon sa Global Titans Fight Series na kanilang kinansela ang nasabing laban ni Mayweather sa dating sparring partner nito na si Don Moore ay dahil sa pagpanaw ng nited Arab Emirates president Sheikh […]