• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, nakakuha ng ₱9-B loan mula France

NAKAKUHA ang Pilipinas ng  €150-million o mahigit  na ₱9 billion policy-based loan mula  France para idagdag at gamitin sa  “climate change mitigation at adaptation.”
Sinabi ng  French Development Agency (AFD) na nagsagawa ito ng ceremonial exchange of documents sa Department of Finance sa loan na tinintahan noong nakaraang Disyembre  29, 2022.
Naglalayon itong tulungan ang climate-vulnerable Philippines na makamit ang itinakda nitong target na pagaanin ang greenhouse gas emissions.
“France remains more than ever engaged in a race against time for the preservation of our planet, and the fight against the climate crisis that becomes a concrete and devastating reality in the Philippines,” ayon kay Michèle Boccoz, Ambassador of France to the Philippines.
“It will devote €6 billion each year, until 2025, to help developing countries, including the Philippines, finance their transition and cope with climate disasters,” dagdag na wika ni Boccoz.
Tinuran ni AFD country director Bénédicte Gazon, ang bagong   loan program kasunod ng  nagdaang €250 million adaptation program loan na ginamit sa pagtatapos ng 2021 para bawasan ang  disaster risk sa local level.
Samantala, ang  AFD loan ay sinasabing parte ng pinagsamang  policy-based loan katumbas ng  €390 million na nakatakdang tanggapin ng bansa.
 Ang natitirang US$250 million ay manggagaling mula sa Asian Development Bank loan na nilagdaan noong Hunyo ng nakaraang taon. (Daris Jose)
Other News
  • Gilas, sa Qatar na tutungo para sa February window ng FIBA qualifiers

    Idaraos na sa Doha, Qatar ang mga laro ng Gilas Pilipinas para sa ikatlo at huling window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifier.     Kung maaalala, napilitan ang Pilipinas na umatras sa hosting ng mga laro ng Group A at C sa Clark, Pampanga dahil sa travel ban na ipinataw ng pamahalaan.     […]

  • ‘Libreng libing’ sa mga pamilyang P15,000 buwanang kita inihain sa Senado

    MABIGAT  para sa maraming pamilyang Pilipino ang mabuhay dahil sa kahirapan, pero mahirap din para sa kanila ang mamatay.     Ito ang gustong tugunan ngayon ni Sen. Raffy Tulfo sa kanyang Senate Bill 1695, bagay na layong magbigay ng libreng serbisyo ng pagpapalibing sa mga mahihirap na pamilyang nawawalan ng mahal sa buhay sa […]

  • DOH, DOT kailangan na makahanap ng middle ground ukol sa face mask policy- Malakanyang

    SERYOSONG kinokonsidera ng Pilipinas ang panukalang pagaanin at luwagan  ang mandatory face mask policy sa bansa.     Ito’y kasunod ng data na nagpapakita na ang pagpapagaan sa requirement  ay makapagpapalakas sa turismo.     Sa press briefing, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles  na nagkaroon ng kompromiso ang Departments of Health (DOH) at Tourism […]