• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kadiwa outlets ng Marcos administration, nakapagsilbi ng 1.22-M households

INIULAT  ng Office of the Press Secretary (OPS) na nasa 1.22 million households ang napagsilbihan ng Marcos administration sa mga Kadiwa outlets.
As of November nitong taon nakapagtala ng P418 million na kita ang 19, 383 Kadiwa selling activities ng pamahalaan.
Naka-benepisyo naman dito ang 450 farmer cooperatives and associations (FCAs) at agri-fishery enterprises sa buong bansa.
Sa ilalim ng Kadiwa ng Pasko caravan, nilayon ng administrasyon na ipagpatuloy ito pagkatapos ng holiday.
Napag-alaman na mahigit P15 milyon ang nalikom na benta as of Disyembre 11.
Bukod sa paglalagay ng mga Kadiwa outlet, ang gobyerno ay nagpatakbo ng mga Agri-Pinoy Trading Centers (APTCs) at Diskuwento Caravans upang patatagin ang mga suplay at presyo ng asukal.
Kung maalala, ang Department of Agriculture (DA) ay nagpapatakbo ng 15 APTC sa buong bansa, na nakikinabang sa 219,201 magsasaka at mangingisda.
Upang mapababa ang gastos sa transportasyon para sa pagkain at iba pang pangunahing bilihin, isinagawa ng administrasyong Marcos ang Unified Logistics Pass (ULP), na naglalayong mapadali ang tuluy-tuloy na paggalaw ng mga trak na nagdadala ng mga produktong agrikultural at iba pang pangunahing bilihin.
Nagpataw din ang gobyerno ng moratorium sa pangongolekta ng pass-through fees at nagtayo ng mas maraming rural infrastructure.
Other News
  • Na-miss dahil matagal na ‘di nakabalik sa ‘Eat Bulaga’: ALDEN, teary-eyed nang yakapin isa-isa ang mga Dabarkads

    NANGUNA sa Philippine Trends ang #ALDENBackOnEB ang pagbabalik ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards sa number one at longest-running noontime show na “Eat Bulaga.”       Inamin ni Alden na medyo naging teary-eyed siya nang yakapin niya isa-isa ang mga co-hosts, nang pumasok siya sa dressing room ng APT Studio.     “Medyo matagal akong […]

  • PDu30, itinalaga sina Evasco at Jacinto sa bagong posisyon

    KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay  Leoncio Badilla Evasco Jr. bilang  Presidential Adviser on Streamlining of Government Processes, na may ranggo na Kalihim, noong Nobyembre  24, 2020.    Si PA Evasco ay hindi na bago sa  Duterte Administration dahil nagsilbi siya bilang Cabinet Secretary sa mga unang taon ng kasalukuyang […]

  • Subscribers, may parusa kapag nagbigay ng false information sa panahon ng SIM registration

    NAKATAKDANG ipalabas sa Disyembre 12 ang  implementing rules and regulations (IRR)  ng SIM Registration Act. Magiging epektibo naman ang batas sa Disyembre 27. Nag-draft na kasi ang  National Telecommunications Commissions (NTC) ng IRR at nakatakda ang public hearing nito sa Disyembre 5. Sa ilalim ng draft IRR, “a SIM card user may register his number […]