• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Napili sina Dennis, Julie Anne at Andrea: Mahusay na pagganap ni BARBIE sa ‘Maria Clara at Ibarra’, inisnab

ANO kaya ang magiging reaction ng mga fans ni Primetime Princess Barbie Forteza, at ng mga netizens na gabi-gabing sumusubaybay sa “Maria Clara at Ibarra” na parang hindi pinansin ng Philippine TV & Film Updates ang acting niya bilang si Klay?  

 

 

Napili nila kasi ang performances sa serye nina Dennis Trillo bilang Best Actor in a TV Series, Julie Anne San Jose as Best Supporting Actress in a TV Series, Andrea Torres as Best Guest on a Cameo Performance in a TV Series, Zig Dulay as Best Directing for a TV Series plus other technical awards like sina Suzette Doctolero, Joanna Marie Katanyag, Benson Logronio, Melchor Escarcha, Maria Zita Garganera, Annette Gozon and RJ Nuevas for Best Writing for a Television Series, and Best Cinematography for a Television Series, at Best Series  ang “Maria Clara at Ibarra.”

 

 

Hindi nga matanggap ng mga netizens na hindi napansin ang mahusay na pagganap ni Barbie sa serye.

 

 

Kaya sabi nga ni Jonathan Manzano Batin, “sobrang deserve niyang manalo. Hindi ko pinalalampas itong panoorin gabi-gabi.  Napakahusay ni Barbie para hinsi siya ma-nominate, tulad din ng ibang kasama nila sa serye, lahat sila deserving manalo.”

 

 

Simula ngayong gabi, iiwanan na ba ni Klay ang mga kaibigang sina Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Fidel at si Sisa at babalik na siya sa kasalukuyang panahon?

 

 

***

 

A friend who has just came from New York, na naging kaibigan din ni LJ Reyes, ang nagkuwento sa amin na mukhang wala na raw balak bumalik sa Pilipinas ang Kapuso actress.

 

 

Successful naman daw ito, na nagpu-produce ngayon ng mga mini-concerts doon.  May iba pa ring daw work si LJ, at masaya itong kasama ang Mommy niya at ang mga anak na sina Aki at Summer.

 

***

 

 

TOTOO nga kayang babalik na muli at mapapanood na si Vhong Navarro sa afternoon show na “It’s Showtime?”

 

 

Sabi raw ni Vice Ganda, may mga magbabalik daw muli sa afternoon show nila kaya ang hula ng mga netizens, si Vhong na raw ba ang magbabalik?  Si Vhong lang daw ang inaasahan nilang magbabalik.

 

 

Simula nang lumaya si Vhong last December, inaabangan na nila ang pagbabalik nito sa “It’s Showtime” lalo na nang mabalita na ibinasura ng Taguig Trial Court ang hirit ni Deniece Cornejo na kanselahin ang kanyang piyansa at ibalik na si Vhong sa kulungan.

 

 

Next month na raw, sa February, ang pagdinig ng kaso ni Vhong.

 

***

 

 

DAILY palang mapapanood ang King of Talk, si Boy Abunda, tuwing hapon, sa muli niyang pagbabalik sa television, to his first home, ang GMA Network.

 

 

Kaya ngayon pa lamang excited na ang mga fans ni Boy, lalo na kung sino kaya ang unang Kapuso celebrity na mai-interview niya, pahulaan pa ito, dahil hindi pa raw nai-interview ni Boy kahit kailan ang kanyang first guest.

 

 

May nagsabi na si Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang first guest niya, pero minsan na raw na-interview ni Boy si Alden.

 

 

So, sino nga kaya siya?  Abangan!!!

(NORAV. CALDERON)

Other News
  • Pag-usbong ng mas maraming Kadiwa market, ‘di imposible – Department of Trade and Industry

    MALAKI umano ang tiyansa na lalago pa ang Kadiwa market sa bansa.     Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Dominic Tolentino, kasunod na rin ito ng personal na pagkakasaksi nito sa naturang programa.     Ginawa ang pahayag matapos ang matagumpay na inilunsad na Kadiwa ng Pasko kahapon sa iba’t […]

  • 100 staff ng PGH babakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine sa unang araw ng rollout nito

    Aabot sa 100 tauhan ng Philippine General Hospital ang nabakuhanan kontra COVID-19 gamit ang gawa ng Sinovac ng China.     Ayon kay PGH Director Dr. Gap Legaspi, 20 hanggang 50 doses lamang ang una nilang pinaghandaan para sa ceremonial rollout ng COVID-19 vaccination program.     Subalit nabago ito matapos sabihin sa kanya ni […]

  • Delivery ng national IDs makukumpleto sa 2024 – PSA

    KAKAIN pa ng isang taon o aabutin pa nang hanggang September 2024 bago makumpleto ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang paghahatid ng physical national ID cards sa mga Pinoy na nagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).     Ayon kay PSA head Claire Dennis Mapa, mayroon nang 81 milyong Filipino ang nagparehistro sa PhilSystem pero […]