• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 4 PDID, tiklo sa P34K shabu sa Valenzuela

BALIK-SELDA ang isang drug personality na listed bilang top 4 Priority Database on Illegal Drugs (PDID) matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek bilang si Johanne Dellava alyas “Jumong”, 34 ng Brgy. Punturin.

 

 

Sa report ni Col. Destura kay NorthernPolice District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, dakong alas-11:20 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joel Madregalejo ng buy bust operation sa kahabaan ng Velilla St., Brgy. Punturin kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P9,000 halaga ng droga.

 

 

Matapos matanggap ang pre-arrange signal mula sa kanyang kasama na nagsilbi bilang poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga suspek ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto si Dellava.

 

 

Ani PSSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang isang P500 at 8 pirasong P1,000 boodle money at cellphone.

 

 

Ayon kay P/Capt. Madregalejo, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Druga Act of 2002 na dati na rin nakulong ang suspek dahil din sa ilegal na droga. (Richard Mesa)

Other News
  • P5 B off-ramp itatayo upang magkaroon nang mabilis na access sa NAIA

    ANG San Miguel Corporation (SMC), ang nanalong bidder sa rehabilitasyon ng NAIA ay naglaan ng P3 hanggang P5 billion para sa pagtatayo ng bagong off-ramp na magdudugtong sa NAIA Expressway papuntang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.     Gagawin ang proyekto upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko at magkaroon ng magandang daloy ang […]

  • Ads June 28, 2024

  • Higit 18K posisyon paglalabanan sa 2025

    MAYROONG HIGIT 18,280 elective positions ang paglalabanan ng mga kandidato sa buong bansa sa 2025 National and Local Elections, ayon sa datos ng Commission on Elections (COMELEC).       Kinabibilangan ito ng 12 Senators, 63 Party-List Representatives, 254 Member ng House of Representatives, 82 Governor, 82 Vice-Governor, 800 na Member ng Sangguniang Panlalawigan, 149 […]