Updated SRP sa mga pangunahing bilihin, isinasapinal pa ng DTI
- Published on January 21, 2023
- by @peoplesbalita
KASALUKUYAN pang isinasapinal ng Department of Trade and Industry (DTI) ang paglalabas ng updated suggested retail price (SRP) ng mga basic necessities and prime commodities (BNPCs) sa bansa.
Sa gitna pa rin ito ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa Pilipinas.
Matatandaan na una nang sinabi ng ahensya na Enero ng taong ito ang kanilang target date para sa release ng SRP ngunit nang dahil sa iba’t-ibang suliranin ay pansamantalang mauudlot ito.
Paliwanang ni DTI Usec. Ruth Castelo, pinag-aaralan pa raw kasi ng kagawaran ang tamang panahon kung kailan dapat na ilabas ang updated SRP sa mga pangunahing bilihin.
Hangga’t maaari kasi aniya ay ayaw munang isabay ito ng ahensya sa kasalukuyang nararanasang pagsirit ng presyo ng iba pang produkto ngayon sa merkado.
Bukod dito ay sinabi rin Castelo na mayroon pa raw kasi silang mga pending request mula sa mga manufacturers na humihiling ng price adjustments, habang on going pa rin aniya ang kanilang computation sa mga nauna nang request na kanilang natanggap.
Kaugnay nito ay inihayag din ni Usec. Castelo na kabilang sa mga humihiling ng price adjustment sa DTI ay ang mga manufacturer ng canned sardines, canned milk, kape, instant noodles, tinapay, kandila, detergent soap, prime canned meat, at ilang hygeine products tulad ng bath soap.
Isa aniya sa mga pangunahing dahilan nito ay ang mataas na halaga ng raw materials na inaangkat pa mula sa ibang bansa, presyo ng logistics, at packaging materials na sanhi ng dagdag na cost of productions ng mga ito.
Samantala, patuloy naman ang ginagawang paalala ng DTI sa mga negosyante na hindi dapat magkaroon ng paggalaw sa presyo ng kanilang mga produkto na nakabatay pa rin sa kasalukuyang SRP hangga’t walang bagong inilalabas na listahan nito ang nasabing kagawaran.
-
Vendor kulong sa hindi lisensyadong baril sa Valenzuela
HIMAS-REHAS ang isang mister matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Valenzuela city. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Nuno, […]
-
Meta, pinagpapaliwanag sa Senado sa isyu ng umano’y censorship
PINAGPAPALIWANAG ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang social media giant na Meta, ang mother company ng social networking platform na Facebook. Ayon kay Revilla na siyang chairman ng Senate committee on public information and mass media, nakakaalarma ang sunod-sunod na censorship ng social media firm. Matatandaang isa sa umalma sa […]
-
Naka-support pa rin at ipinagmamalaki… JAKE, inamin sa IG post na totoong hiwalay na sila ni KYLIE
TINAPOS na nga ni Jake Cuenca ang pinag-uusapan na break-up nila ng beauty queen turned actress si Kylie Versoza. Sa kanyang Instagram post, inamin na nga ni Jake na totoong hiwalay na sila ni Kylie. Kasama ang dalawang photos, una rito ang miniature nila ni Kylie kasama ang two pet dogs […]