• July 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Wes, Senator Win, nagbigay ng cash aid sa mga nasunugan sa Valenzuela

BILANG tulong sa mga pamilyang nawalan ng bahay sa nangyaring sunog sa Barangay Gen. T. De Leon noong Enero 14, pinagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian at ng opisina ni Senator WIN Gatchalian ng tulong pinansyal ang mga nasunugan sa Bitik Elementary School.

 

 

Ang bawat pamilyang pansamantalang naninirahan sa evacuation site at ganap na nasira ang mga bahay ay nakatanggap ng cash assistance na PHP 10,000 mula sa lokal na pamahalaan habang ang mga bahay ng mga pamilyang bahagyang nasira ay tumanggap ng PHP 7,000 bawat isa. Bukod dito, nagbigay din ang opisina ni Senator WIN ng PHP 5,000 kada pamilya.

 

 

Ang cash support na kanilang natanggap ay ang kanilang fueling boost upang makahanap ng matitirhan o makabili ng mga materyales para muling makapagtayo ng kanilang mga nasirang bahay.

 

 

Nabatid na umabot sa 74 pamilya ang nawalan ng tahanan sa naganap na sunog sa naturang barangay kung saan wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa nasabing insidente habang tinatayang umabot sa PHP 200,000 ang halaga ng ari-arian na napinsala.

 

 

Maliban sa cash aid, nagbigay din ang Department of Welfare and Development Office (DSWD) ng Family Kits na naglalaman ng clothes para sa mga bata at matatanda, slippers, bath towels, underwear, at short pants.

 

 

Personal na binisita ni Mayor WES ang mga nasunugan upang tingnan kung ano pa ang maibibigay na tulong ng lokal na pamahalaan.

 

 

“Alam kong mabigat po ang pakiramdam na mawalan ng mga kagamitan, pero ang importante sa lahat ay buhay tayo – ang ating mga anak ay buhay, ang ating mga magulang, pati po ang mga senior citizen po natin ay nasa maayos pong kalagayan. Ang iba pong pangangailangan na materyal, ‘wag po kayong mag-alala [dahil] nandito po ang lokal na pamahalaan na palagi pong sumusuporta sa inyo.” pahayag ng alkalde. (Richard Mesa)

Other News
  • Dalawang linggo na ang nakaraan: JESSY, ipinanganak na ang Baby Rosie nila ni LUIS

    NITONG araw ng Sabado, January 7, ay inihayag ni Jessy Mendiola na ipinanganak na niya ang unang anak nila ng mister niyang si Luis Manzano.     Sa pamamagitan ng kanyang Instagram ay ibinahagi ni Jessy na dalawang linggo na ang nakararaan ay isinilang niya si Isabella Rose Tawile Manzano, isang healthy baby girl.     Kalakip […]

  • DOTr: Mga sirang elevators at escalators sa LRT 2, Ok na

    INULAT ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na umaandar na ang mga sirang elevators at escalators sa Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) matapos na makita na isang disabled na pasahero ang umaakyat sa hagdanan habang dala-dala ng dalawang (2) security personnel ang wheelchair nito.       Agad umaksyon si Tugade […]

  • Ordanes at Arquiza, nagkasundo at nagkamayan

    Tuluyan ng nagkasundo at nagkamayan ang kinikilalang kinatawan ng Senior Citizens Party-list na si Cong. Rodolfo Ompong Ordanes at si dating Cong. Godofredo Arquiza matapos pagtibayin ng dalawa ang isang kasunduan na nagtatapos ang kanilang sigalot na sinaksihan ng kanilang mga abugado sa ginanap na seremonya nitong Dec.19, 2023 sa Seda Hotel, Quezon City. (PAUL […]