• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Global firms, nangakong mamumuhunan, palalawakin ang operasyon sa Pinas- Malakanyang

NANGAKO ang ilang multinational firms na mamumuhunan at palalawakin ang kanilang operasyon sa Pilipinas.

 

 

Kasunod ito ng talakayan sa  sidelines ng World Economic Forum (WEF) sa Switzerland.

 

 

“One of them is logistics company DP World, which is eyeing to establish an industrial park in Pampanga,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO) sa isang kalatas.

 

 

“We are committed to investing in the Philippines; we’re committed to expand,” ang sinabi ni chairman at chief executive officer Sultan Ahmed bin Sulayem kay Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sabay sabing. “So we’re interested in the Philippines, in industrial parks.”

 

 

Ayon sa opisyal, nakapag-develop na ang Dubai-based firm ng industrial parks sa ilang bansa kabilang na ang  Senegal, Egypt, India, at  Pakistan.

 

 

Samantala, target naman ng investment company na Morgan Stanley na maglagay ng opisina sa Maynila.

 

 

Nangako naman ang Asia Pacific Chairman Gokul Laroia kay Pangulong Marcos na susuportahan nito ang development initiatives ng gobyerno ng Pilipinas.

 

 

“[W]e’re opening an office there, we’re trying to work with both the government [and] the private sector,” anito.

 

 

Si Pangulong Marcos ay patuloy na makikipagpulong sa mga business leaders sa sidelines ng  WEF, hanggang ngayong araw, Enero 20. (Daris Jose)

Other News
  • Biktima ng GCash phishing scheme naibahagi ang OTP sa mga scammers

    NAIBAHAGI ng ilang GCash users na apektado ng kamakailan lamang  na phishing incident  ang kanilang  one-time password (OTP) sa mga scammers.     Ang OTP ay kailangan sa bawat transaksyon ng GCash users.     Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla,  may ilang users ang naibahagi ang kanilang  OTPs sa mga […]

  • 33 government officials sinuspinde ng 6 buwan sa Pharmally mess

    Sinuspinde ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan ang 33 opisyal ng pamahalaan kaugnay sa umano’y maanomal­yang pagbili ng pandemic supplies noong 2020 at 2021 o noong kasagsagan ng COVID-19.     Kabilang sa mga sinuspinde si Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong na dating procurement group director ng Department of Budget and […]

  • Pinakamahusay umarte sa magkakapatid: BRYAN, wala pang balak mag-asawa kahit may longtime girlfriend

    NAGKAROON na ng pagkakataon na sagutin ng Limitless Star na si Julie Anne San Jose ang isyung diumano’y ini-unfollow siya ng ex-girlfriend ni Rayver Cruz na si Janine Gutierrez sa Instagram.     Base sa sagot ni Julie, makukumpirma na may pag-unfollow nga na naganap.  At ito ay sa part ni Janine.  Sinubukan kasi naming i-check ang […]