PBBM, naniniwalang walang dahilan para magtayo ang Pinas ng armory nito
- Published on January 23, 2023
- by @peoplesbalita
WALANG nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para magtayo ang Pilipinas ng armory nito.
Para sa Chief Executive hindi palaging sagot ang “military solution” sa mga usapin.
Sa isinagawang dayalogo kasama si World Economic Forum (WEF) President Borge Brende sa Davos, tinanong si Pangulong Marcos kung kinokonsidera nito na doblehin ang defense budget gaya ng ginagawa ng Japan.
Itinaas kasi ng Japan ang defense spending nito ng 2% sa kanilang gross domestic product (GDP) sa loob ng limang taon.
Bilang tugon, sinabi ni Pangulong Marcos na “I think to an extent but not – because the belief is that first of all, there is no point in the Philippines building up its armory.”
Ang paliwanag pa nito, wala naman sa “economic situation” ang Pilipinas para magtayo ng armory nito.
“More importantly, perhaps is our abiding belief that the solutions are not going to be military,” ayon sa Pangulo.
Ani Pangulong Marcos, “resorting to militaristic solutions will “end badly for everyone involved and even those who are not involved.”
Tinukoy nito ang Russia-Ukraine war, labis na nakaapekto sa ibang bansa kabilang na ang Pilipinas.
“I think all of us were quite surprised, especially us in the Philippines, to think that a war in Eastern Europe would affect agriculture in the Philippines and I guess it just goes to show how well connected that is,” ani Pangulong Marcos.
“If a similar situation would arise in the region, then I would say it would be disastrous for the rest of the world as well, not only for the region but for the rest of the world,” wika pa ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
Curry, Warriors ginulat sina LeBron at Lakers sa season opener
Nagtala nang come-from-behind win ang Golden State Warriors upang gulatin ang Los Angeles Lakers, 121-114 sa pagbubukas ng bagong season ng NBA. Dinala ni Stephen Curry ang Warriors gamit ang triple double performance na may 21 points, 10 rebounds at 10 assists upang makarekober ang team at magtala ng unang panalo. […]
-
Buong mundo “malulusaw” kung gagamitin ni Putin ang nuclear weapons laban sa Ukraine- Pangulong Duterte
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo R. Duterte ng “worst possible outcome” para sa buong mundo sa gitna ng patuloy na banta ng Russia sa posibilidad na gamitin ang tactical o low-yield nuclear weapons laban sa Ukraine. Sa naging talumpati ng Pangulo sa Lapu-Lapu City, Cebu sa idinaos na 501 taong anibersaryo ng Victory of […]
-
PDu30, hinikayat ang publiko na i-report ang korapsyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at magbigay ng makatutulong na impormasyon sa awtoridad
HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko na i- report ang korapsyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at magbigay ng makatutulong na impormasyon sa awtoridad. Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga tipsters ay makatatanggap ng gantimpala mula sa pamahalaan. Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito […]