Investment hub ng Pilipinas matagumpay na naibida sa 2023 World Economic Forum
- Published on January 24, 2023
- by @peoplesbalita
MATAGUMPAY na naiparating ng Pilipinas sa World Economic Forum na bukas ang ating bansa sa mga negosyo.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, naibida ng Philippine delagation sa World Economic Forum attendees ang pagiging premier investment hub ng Pilipinas.
Punto ni Speaker Romualdez na maraming multinational company na ang nagpa-planong magtayo ng opisina sa ating bansa, kabilang dito ang Morgan Stanley, BlackRock, Ferrovial at Sequoia.
Ito ay dahil sa magandang investment climate ng Pilipinas at kakayanan ng mga Pilipino sa pagta-trabaho.
Sabi ni Speaker, nagawang i-impressed ng Philippine delegation ang mga dumalo sa World Economic Forum dahil sa ipinakitang pagkakaisa.
“So people took notice of it and said that its obvious that the Philippines is back. We are open for business, we are here listening and we are inviting everyone to see why the Philippines would be the best destinations to invest,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Napansin din ni Speaker Romualdez na marami ang nagpahayag ng interes sa Davos kaugnay sa isinusulong na Maharlika Investment Fund.
“So we demonstrate at the WEF and to the world that the President is joined with his economic managers in the Executive alongside with the leaders from the Legislature and we are working and marching in lockstep with him,” pahayag ni Romualdez. (Daris Jose)
-
Irving pinayagan ng makabalik sa paglalaro
Inanunsiyo ng NBA na natapos na ang suspensiyon ni Brooklyn Nets star Kyrie Irving. Kasunod ito sa social media posting ni Irving na may kaugnayan sa anti-semitic materials. Dahil dito ay sinabi ng Nets na makakasama na nila si Irving sa paglalaro laban sa Memphis Grizzles. Matapos ang pahingi ng paumanhin ni […]
-
Mas magaling mandeadma kesa kay Lotlot: JANINE, waging Best Actress pero balitang break na sila ni PAULO
EVENTFUL para sa amin ang November 26, 2023, Linggo ng gabi. Sinamahan namin si Lotlot de Leon na pumunta sa Aliw Theater sa Roxas Boulevard para maging presenter sa 6th The EDDYS Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEED na karamihan sa mga opisyales at miyembro ay mga kaibigan namin. […]
-
571 COVID-19 case kada araw sa SoKor, kinumpirma
KADA araw ay nakakapagtala ng aabot sa 571 kaso ng coronavirus disease (COVID-19), ayon sa South Korean Centers for Disease Control and Prevention. Ang 571 cases ay kinumpirma ng SoKor nitong Biyernes (February 28) ng hapon, kabilang na ang 256 kaso na inanunsiyo ng umaga sa parehong petsa. Dahil dito ay nakapagtala ng […]