PBBM, walang papel sa Maharlika fund bill revision
- Published on January 24, 2023
- by @peoplesbalita
WALANG papel si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa revision o ginawang pagbabago sa House of Representatives-approved Maharlika Investment Fund (MIF) bill.
Isang bagong Maharlika Investment Fund kasi ang iprinisenta ni Pangulong Marcos sa potential investors sa ginanap na World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Ito ang ibinahagi ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa isang panayam.
Ayon kay Salceda, siya at tatlong iba pang mambabatas ay naatasan na i-rewrite ang MIF proposal.
Isa aniya sa pagbabago mula sa House Bill 6608 na ipinasa ng Kamara ay hindi na gagamiting kapital ang dibidendo mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas at “real surpluses” na aniya ang gagamitin tulad ng sa isang tradisyunal na sovereign wealth fund.
Masaya naman si Salceda na sa kabila ng pagtutol ng mga kritiko sa ginawang “soft launch” ng Pang. Marcos Jr. ng MIF sa WEF ay positibo ang naging pagtanggap ng mga investors sa bagong MIF.
Si Pangulong Marcos ay nasa Davos, Switzerland, noong nakaraang linggo Kung saan dumalo sa World Economic Forum (WEF).
At nang tanungin ng media kung ang revised MIF bill ay aprubado na niya, ang naging tugon ng Pangulo ay “I’m not sure. What did I approve?”
Winika pa ng Pangulo na ang panukalang batas ay “in the process of legislation.”
“Wala akong role muna,” ayon kay Pangulong Marcos.
Samantala, tinuran ng Pangulo na nakatanggap siya ng suhestiyon mula sa business leader na mangalap ng pera para sa Maharlika fund sa pamamagitan ng initial public offering (IPO).
Sinabi naman ng Pangulo na titingnan niya kung nararapat ito para sa bansa.
Ang panukalang batas para sa Maharlika Investment Fund ay inaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong Disyembre15. Ipinadala ito sa Senado noong Disyembre 19.
Sa ilalim ng panukalang batas, ” the fund shall be used to invest on a strategic and commercial basis in a manner designed to promote fiscal stability for economic development and strengthen the top-performing government financial institutions through additional investment platforms that will help attain the national government’s priority plans.”
Sinabi pa ng Pangulo na ang panukalang sovereign fund ay inaasahan na susuporta sa infrastructure projects sa enerhiya, agrikultura at digitalisasyon. (Daris Jose)
-
Pinas 2nd sa vaccination rollout sa Southeast Asia
Pumangalawa na ang Pilipinas sa estado ng ‘vaccination rollout’ sa Southeast Asia makaraang umakyat na sa 4,097,425 doses ang naipamahagi sa mga mamamayan, ayon sa National Task Force Against COVID-19 nitong Linggo. Sa datos mula sa Bloomberg World Data, nasa 4,097,425 kabuuang doses ng bakuna ang naibigay sa publiko ng Pilipinas habang nangunguna […]
-
Huling-huli ang kiliti ng mga viewers dito at sa ibang bansa: Multi-Genre Director na si GB, muling naka-score ng ‘number one’ content sa Vivamax
NAKA-SCORE muli ang Multi-Genre Director na si GB Sampedro nang dalawang ‘number one’ content sa Vivamax, ang latest movie niyang ‘Purification’ at ang original series na ‘High (School) On Sex.’ Ang ‘High (School) On Sex’ ay sexy comedy coming-of-age series na pinagbibidahan ni ‘Boy Bastos’ star Wilbert Ross na una niyang naidirek sa […]
-
Pagkakasama ng Hongkong sa pansamantalang suspensyon ng inbound international flights, hindi pa pinal- NTF
HINDI pinal ang pagkakasama ng Hong Kong Flights bilang bahagi ng pansamamtalang suspensyon ng inbound international flights dahil sa umusbong na Omicron variant. Ito ang nilinaw ng National Task Force (NTF). Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na hinihintay pa nila ang magiging anunsyo ng Inter-Agency Task Force ( […]