• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kalahating trilyong piso para sa climate change mitigation

NAGLAAN ang pamahalaan ng P500 bilyong para sa mga proyektong gagawin nito na may kinalaman sa climate change mitigation.

 

 

Sinabi ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, na bahagi ito ng 2023 national budget at gagamitin sa mga proyektong ilalatag ng gobyerno para  mabawasan ang masamang epekto ng pagbabago ng panahon.

 

 

Batay sa mga ikakasang proyekto ng gobyerno na may kinalaman sa climate change ay ang mga hakbang para mapigilan ang deforestration, gagawing pag-aalaga sa mga watershed at protected areas, pagsasagawa ng pagsisiyasat o research para sa climate change adaptation gayundin ng mga pagsasanay hinggil sa  community-based climate change adaptation at disaster risk reduction.

 

 

Magugunitang,  sa naging budget message noon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi nito na dapat na magkaroon ng climate change expenditures na tutuon sa food security, water sufficiency, ecosystem and environmental stability gayundin sa human security at  climate smart industries and services.

 

 

Ang nasabing P500 bilyong piso na budget para sa climate change ay portion ng P5. 268 trillion national budget para sa fiscal year 2023 na mas mataas ng 4.9% sa 2022 budget. (Daris Jose)

Other News
  • Desisyon na ng bawat isa kung sasama o maiiwan: TITO, VIC at JOEY, nagpaalam na sa Tape Inc. at sa Dabarkads

    NAGPAALAM na ang Eat Bulaga!       Ayon kay Tito Sotto, pumasok daw silang lahat, pero hindi raw sila pinayagan ng new management na mag-live. Pero sa kalagitnaan ng show, pumasok ang tatlo ng live.       Nagpasalamat sila sa lahat ng mga tumangkilik daw sa kanila mula noong July 30, 1979, kaya […]

  • Villanueva sa DOLE: 700 empleyado ng Honda, tulungan

    Nanawagan si Senador Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment na tulungan ang 700 trabahador ng Honda dahil sa napipintong pagsasara ng kanilang planta sa Sta. Rosa Laguna.   Ayon kay Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resource Development, naka-kabahala aniya ang pagsasara ng Honda plant dahil bukod sa trabahong […]

  • Ads December 17, 2021