• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umaasa na bahagi pa rin ng administrasyon: PBBM, may ibang plano kay Tulfo

UMAASA si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  na mananatiling bahagi ng kanyang administrasyon si dating  Social Welfare Secretary Erwin Tulfo. 
Tinanong si Pangulong Marcos kung ikukunsidera niya si Tulfo sa presidential adviser’s post.
“No, we have other plans for him, not as a presidential adviser,” ayon kay Pangulong Marcos.
At nang tanungin kung mananatili pa rin bang maglilingkod si Tulfo sa ilalim ng kanyang administrasyon, ang tugon ni Pangulong Marcos ay “I hope so… The time that he was running the DSWD, he did a very good job so we can’t lose that kind of asset.”
“We’ll find something that he can do so we could take advantage of his good instincts when it comes to social service,” dagdag na wika nito.
Matatandaang, Nobyembre ng nakaraang taon ay ipinagpaliban ng Committee on Labor, Employment, Social Welfare, and Migrant Workers ng Commission on Appointments ang kumpirmasyon para sa ad interim appointment ni Tulfo.
Nagmosyon kasi si CA Majority Leader at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na i-defer ang kumpirmasyon sa ad interim appointment ni Tulfo dahil sa dalawang isyung binanggit ni 1-SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta tungkol kay Tulfo, ang citizenship at ang conviction sa libel case ng kalihim na hinatol noon ng Pasay Regional Trial Court.
Bago humantong sa pagpapaliban sa kumpirmasyon ni Tulfo, halos isang oras ding nag-executive session ang komite para pag-usapan ang isyu base na rin sa hiling ng kalihim.
Sinagot ni Tulfo ang isyu ng pagiging convicted sa kaso na aniya ay nangyari dahil sa pagtupad sa kanyang trabaho bilang mamamahayag.
Pero giit ni Marcoleta, hindi pa rin mababago ang sitwasyon na nahatulan ito sa kaso lalo pa’t ang libel case ay may kinalaman sa ‘moral turpitude’
Inusisa rin ni Marcoleta ang status ng ‘citizenship’ ni Tulfo dahil napag-alaman na ito ay naging enlisted ng US Army mula 1988 hanggang 1992 at nasa active military service na naka-station sa Europe mula 1992 hanggang 1996.
Maliban sa pagiging enlisted sa US Army ay tumira rin si Tulfo sa Amerika ng ilang taon at nakapagtrabaho sa isang grocery store bago napunta sa US Department of Defense. (Daris Jose)
Other News
  • ‘Wag palampasin ang finale ng ‘Royal Blood’: DINGDONG, nagbigay-pugay sa napakahusay na pagganap ni TIRSO

    ANG biggest murder mystery sa primetime TV ay magtatapos na sa high-rating primetime series ng GMA Network na “Royal Blood.”     Matapos ang isang mahaba at mahirap na paghahanap para sa mamamatay-tao, sa wakas ay lumabas ang sikreto—pinatay ni Margaret si Gustavo! Pero marami pa ring twists and turns na dapat i-unveil.     […]

  • Jazz naitala ang 2nd straight victory nang talunin ang Spurs

    Nanguna sa opensa ng Utah Jazz sina Bojan Bogdanovic na may 25 points at si Rudy Gobert na nagdagdag ng 24 points at 15 rebounds upang idispatsa ang San Antonio Spurs, 110-99.     Hindi rin naman nagpahuli si Fil Am player Jordan Clarkson na nag-ambag ng 16 points.     Ito na ang ikalawang […]

  • Buong Pilipinas isinailalim na sa State of Public Health Emergency

    ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bansa sa State of Public Health Emergency bilang hakbang laban sa coronavirus disease (COVID-19) kasunod ng pagdami ng mga kumpirmadong kaso ng sakit.   Mula noong Biyernes, nadagdagan ng 7 ang kumpir-madong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Dahil dito, umakyat na sa 10 […]