• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 wala na sa ‘Top 10 causes of death’ sa Pilipinas; DOH nagalak

WALA  na ang COVID-19 sa listahan ng 10 pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy noong 2022, bagay na patunay raw na “kaonti na lang” ang nasasawi rito sa bansa, sabi ng Department of Health (DOH).
Ito ang tugon ng Kagawaran ng Kalusugan, Miyerkules, sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pang-11 na lang ang nakamamatay na virus sa listahan sa ngayon. Pangatlo kasi ito noong 2021, bagay na iniulat lang noong nakaraang taon.
“And that signifies na kakaonti na lang ang mga namamatay from COVID dito sa ating bansa, and we are able to prevent already further deaths because of this disease.”
Bumalik naman na raw sa “dating trend” ang common causes ng Filipino mortality kung titignan ang listahan ng PSA, as of October 2022:
ischaemic heart diseases (atake sa puso)
cerebrovascular diseases (stroke)
neoplasms (cancer)
diabetes mellitus
hypertensive disease
pneumonia
iba pang sakit sa puso
chronic lower respiratory diseases
iba pang sakit ng genitourinary system
respiratory tuberculosis
Pang-11 ang “COVID-19 virus identified” (9,749) sa naturang talaan habang nasa pang-19 naman ang “COVID-19 virus not identified” (4,134).
“So ito pong top five causes of death are all non-communicable diseases (hindi nakahahawa),” dagdag pa ni Vergeire kanina.
“Kaya po tayo ngayon, very strong po ang programa ng Kagawaran ng Kalusugan sa ating healthy behaviors and healthy lifestyle para maturuan natin ang ating mga kababayan para ma-prevent at ma-avoid natin ang ganitong mga klase ng preventable naman na pwedeng ikamatay ng ating mga kababayan.”
Umaabot na sa 65,726 katao ang namamatay ngayon sa COVID-19 sa Pilipinas mula sa mahigit 4.07 milyong nahawaan nito simula pa noong 2020.
Sumunod sa COVID-19 bilang dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino ang “iba pang external causes,” disgrasya sa kalsada, sakit sa atay, atbp.
Other News
  • Marcos, tinanggihan ang panukalang bawasan ang gov’t workforce para maibaba ang paggastos

    TINANGGIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suhestiyon na bawasan ang bilang ng mga manggagawa sa mga ahensiya ng gobyerno para makatipid at makaipon ng pondo  habang ang Pilipinas ay patuloy na bumabawi at bumabangon mula sa COVID-19 pandemic.     Sa  Facebook post, sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo  na ginawa ni Pangulong […]

  • 249-K doses ng Moderna COVID-19 vaccines dumating na sa bansa

    Dumating na sa bansa ang 249,600 doses ng Moderna COVID-19 vaccines.     Dakong alas-11 ng gabi ng Hunyo 27 ng lumapag ang eroplanong pinaglagyan ng nasabing bakuna sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport at sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez ang mga bakuna.   Ayon sa National Task Force Against COVID-19 na […]

  • Bureau of Quarantine, naka-heightened alert laban sa FLiRT COVID-19 variants

    INATASAN na ni Department of Health Secretary Ted Herbosa ang Bureau of Quarantine na magsagawa ng masinsinang screening sa points of entry para sa mga pasaherong nagmula sa ibang bansa kung saan na-detect ang bagong COVID-19 “FLiRT” variants.       Kaugnay nito, kinumpirma ni Department of Health (DOH) spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na […]