• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SERBISYO SA KALUSUGAN NG BANSA, HAMON NG SIMBAHAN

HINAMON ng simbahan ang pamahalaan na tutukan ang pagpapaayos ng serbisyo ng kalusugan ng bansa.

 

 

Ayon kay Fr. Dan Cancino, MI, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care, dapat paglaanan ng pondo para sa sektor ng kalusugan ng Pilipinas lalo na sa mga mahihirap.

 

 

Ito ay bunsod sa isyu ng pagsasapribado ng mga ospital na bagamat mas mapapaganda ang serbisyo at mga pasilidad ay kaakibat naman ang pagtaas ng presyo sa mga serbisyo na pagsasantabi sa mga mahihirap.

 

 

“Kaya itong privitization na ‘to kahit na dati pa, ang simbahan, ang advocacy ay mas pag-igtingin ng ating gobyerno ‘yung ating mga public health services. I-improve n’ya ‘to, gawin itong mas accessible at mas available lalong-lalo na sa mahihirap,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

 

 

Dagdag pa nito na ibilang sa layuning pagpapabuti sa healthcare sector ng bansa ang pagpapagaling sa mga pasyente sa halip na kita.

 

 

“Kung titingnan natin, meron pang pwedeng gawin. At itong privitization ng ating mga hospitals, kailangang dapat hindi iilan lang ang mga nag-uusap dito. Dapat i-consult ang lipunan, mga komunidad, mga may karamdaman, kasi sila ay hindi lang beneficiary pero kaakibat sila doon sa buong health care system natin,” saad ni Fr. Cancino.

 

 

Taong 2019 nang lagdaan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na maging batas ang Universal Health Care Law na inaasahang magbubunga ng malawakang pagbabago sa public health sector ng bansa.

 

 

Suportado ng simbahan ang bawat layunin at adhikain ng pamahalaan lalo na sa pagpapabuti sa sektor ng kalusugan ng bansa para sa kapakanan ng nakararami lalo’t higit ang mga nasa mahihirap na sektor ng lipunan. GENE ADSUARA

Other News
  • 137M doses ng Covid 19 vaccines para sa taong 2022

    TINATAYANG aabot sa 137 million doses ng COVID-19 vaccines ang na-secure ng pamahalaan para sa susunod na taon. Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Miyerkules ng gabi na manggagaling ito sa iba’t ibang brands ng bakuna na nagbigay na ng commitment ng suplay sa bansa. “Maganda […]

  • “WEDNESDAY’S” JENNA ORTEGA TAKES A NEW STAB AT HORROR IN “SCREAM VI”

    TEEN sensation Jenna Ortega broke away from the pack when she starred in 2022’s Scream and  in the Netflix series Wednesday which nabbed the Netflix record for most watched series and recently announced the Season 2 pickup.     For her performance Ortega was individually nominated for a 2023 Golden Globe award in the category of Best Television Actress […]

  • NCR, mananatili sa Alert Level 1; maraming lugar ang de-escalated

    MARAMING mga lugar simula ngayon, Agosto 1 ang  de-escalated sa Alert Level 1 habang ang  National Capital Region ay mananatili sa katulad na klasipikasyon.     Sinabi ng Department of Health (DOH),  ang  alert level status ay magiging epektibo mula Agosto  1 hanggang  15.     Ang mga karagdagang lugar na pinagaan at inilagay sa […]