• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dini-discourage nga pero susuportahan pa rin: MIKEE, ibinunyag na pangarap ng PAUL na pumasok sa politika

IBINUNYAG ni Mikee Quintos na pangarap ng kaniyang nobyong si Paul Salas na pumasok sa politika.
Sa Surprise Guest with Pia Arcangel, inilahad ni Mikee na mga lawyer at doktor ang propesyon ng mga miyembro ng kaniyang pamilya, at siya lang nag-iisang taga-showbiz.
Dating mga konsehal at konsehala sa Maynila ang kaniyang mga magulang na sina Eduardo Quintos XIV at Jocelyn Quintos.
Naging “ritwal” na raw ng kanilang pamilya ang pangangampanya.
May mga pagkakataong inayawan ni Mikee ang pagsama sa mga kampanya dahil siya ang natatanging artista sa pamilya na marunong kumanta at sumayaw.
“Isa ‘yun sa mga mabigat kong bubog, drama ko ‘yun sa magulang ko,”  sabi ng Kapuso actress.
“Until I realized na nitong huling eleksyon na ‘yung ate ko na ang tatakbo, na imbes na i-hate ko siya, I should see it as a blessing na ako ‘yung kinukulit.”
Binago ni Mikee ang kaniyang pag-iisip at naging maluwag sa kaniya ang pagsuporta sa kaniyang pamilya.
“My mom actually told me that and one of my sisters na, ‘Mikee ikaw ‘yung kumakanta eh, ikaw ‘yung may talent eh.’ Sabi ko oo nga, minsan ‘yung talent na ‘yon it is a blessing and because of the pressure nakakalimutan kong blessing.”
Dahil dito, natanong si Mikee kung plano niya ring pumasok sa politika.
“Parang hindi po para sa akin eh. Hindi ko nafi-feel na… Mas nag-e-enjoy po ako sa acting,” sabi ni Mikee.
“Andito ako to help and to support my family. Pero kung ako mismo ‘yung nakaupo, hindi na. Hindi ko nakikita na ako ‘yung nakaupo,” dagdag niya.
“Nafi-feel ko naman ‘yung tulong na nagagawa ko naman ng ganito na hindi ako ‘yung nasa posisyon. Happy lang po ako dito.”
Gayunman, ikinuwento ni Mikee na si Paul ang may interes na pumasok sa politika.
“Siya, he’s into it. Gusto niyang tumakbo someday. Pangarap niya ‘yan someday,” sabi ng dalaga tungkol sa kaniyang nobyo.
“Medyo dini-discourage ko siya minsan dahil alam ko ‘yung stress nu’n. Pero bakit ko naman siya pipigilan? If his heart really wants to help people, andito din naman ako to support that,” dagdag ni Mikee.
***
TATLONG taong ginampanan ang kontrabidang si Brianna sa hit afternoon series na “Prima Donnas,” inihayag ni Elijah Alejo na nahirapan siyang gampanan ang role ng isang mabait na si Chynna sa “Underage.”
“Nahirapan akong mag-adjust, honestly. Kasi tatlong taon kong pinlay (play) si Brianna na super kontrabida. Tapos one week before naming mag-lock in, nag-guesting ako sa Tadhana na kontrabida rin ang role ko,” sabi ni Elijah sa Kapuso Insider.
“So parang ang bilis ng shift ko from kontrabida to mabait na Chynna,” dagdag ni Elijah.
Kaya naman todo ang kaniyang paghahanda para sa series.
“Mahirap na adjustment siya so ang ginagawa ko, lagi kong pinag-aaralan,” ayon kay Elijah, na kinokonsulta rin ang direktor na si Rechie Del Carmen.
Ang Underage ay kwento ng tatlong magkakapatid na sina Celine (Lexi Gonzales), Carrie (Hailey Mendes), at Chynna na napilitang umakto na may edad, matapos dumaan sa mga kasawian ang kanilang pamilya.
Dulot ito ng isa nilang malisyosong video na nag-viral online.
Napapanood na ang Underage sa GMA Afternoon Prime.
***
INIHAYAG ni Xian Lim ang labis na paghanga sa kanilang leading lady sa upcoming Kapuso series na “Hearts on Ice” na si Ashley Ortega.
Kasabay nito, looking forward din ang aktor sa pagbabalik-trabaho  nila ni Jennylyn Mercado para naman sa “Love, Die, Repeat.”
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa “24 Oras”, sinabi ni Xian na nakita niya kung gaano kamahal ni Ashley ang trabaho nito sa taping nila ng Hearts on Ice.
“I think she is very dedicated when it comes to her project, this project in particular, kasi ngayon ko pa lang naman siya nakita in action. She comes to the set prepared and she knows what she is doing especially on ice,” ani Xian.
Grateful din si Xian sa ginagawang tulong sa kaniya ni Ashley pagdating sa iceskating, lalo ngayong may mga komplikado na silang eksena sa skating rink.
“Upon hearing about the role lang saka ako nag-skating. Ngayon nag-intensify ang mga ginagawa namin sa serye, ‘yung liftings involved which is a bit dangerous kasi mapapatid kami, may mga blades sa paa namin. It takes a lot of practice, time and dedication sa Hearts on Ice,” patuloy ng aktor.
Looking forward din si Xian kapag magsimula na muli silang mag-taping ni Jennylyn para sa “Love, Die, Repeat.”
“When we started ‘Love, Die, Repeat,’ ‘yun talaga ang peak ng COVID. It was very strict, bawal magkita ang lahat-lahat. So I’m hoping and I’m pretty sure na once we resume mag-iiba rin ang dynamics,” sabi ni Xian.
Panandaliang nahinto ang taping ng “Love, Die, Repeat” matapos ianunsyo ni Jennylyn ang kaniyang pagbubuntis.
Isinilang ni Jennylyn  noong nakaraang taon ang anak nila ni Dennis Trillo na si Baby Dylan.
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • LTFRB: Unconsolidated jeeps, UV Express puwedeng mag- operate sa may mababang bilang ng consolidated routes

    ISANG resolusyon ang nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pinapayagan ang unconsolidated jeepneys at UV Express na magkaroon ng operasyon sa may 2,500 na ruta na may mababang bilang ng consolidation.         Nakalagay sa LTFRB Board Resolution No. 53 Series of 2024 na ang mga unconsolidated na pampublikong […]

  • Pinsala sa agrikultura dahil sa bagyong Paeng, pumalo nasa P3.16-B – Department of Agriculture

    PUMALO na sa Php 3.16 billion ang katumbas na halaga ng napinsalang agrikultura nang dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng sa Pilipinas.     Batay sa pinakahuling datos ng Disaster Risk Reduction Management Operations Center ng Department of Agriculture, lumobo na sa 197,811 metric tons ang volume ng production lass ng bansa.     Saklaw […]

  • Pagpapalakas sa national security at economic development ngayong natitirang sesyon

    INIHAYAG ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez nitong Martes na pagtutuunan ng pansin ng kamara ang lehislasyon ukol sa pagpapalakas ng national security at economic development sa natitirang sesyon ng 19th Congress.     “As we embark on another session this April 29th, our legislative focus sharpens on the dual imperatives of national security and robust […]