• March 31, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Russian at Belarusian pwedeng sumali sa 2024 Paris Olympics

Kinontra ng Ukraine ang pagpayag ng International Olympic Committee (IOC) na makapaglaro sa 2024 Olympic Games sa Paris ang mga atleta ng Russia at Belarus.

 

Ang nasabing desisyon ay base sa ginawang pagpupulong ng IOC members, lobal network of athletes representatives, International Federations at National Olympic Committee.

 

Saad ng IOC na wala dapat atleta na pagbawalan na makilahok sa mga international sporting events kahit anong uri ng kanilang pasaporte.

 

Mula kasi ng lusubing Russia ang Ukraine noong nakaraang taon ay inirekomenda ng IOC na dapat pagbawalan ang mga atleta ng Russia at Belarus na makilahok at kapag lumahok sila ay dapat gumamit ang mga ito ng neutral na bandila.

 

Ayon sa Ukrainian Athletes at Global Athlete na sa desisyon na ito ng IOC ay nagpapakita lamang na tila sinusuportahan nila ang ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine. (CARD)

Other News
  • Wala nang extension sa SIM registration – DICT

    NANINDIGAN ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na wala nang mangyayaring isa pang extension sa SIM card registration makaraan ang July 25 deadline para rito.     Ayon kay DICT Assistant Secretary for Cybersecurity Jeffrey Ian Dy, hindi na sila makapagbibigay ng extension dahil ito ang itinatakda ng batas.     Pagsapit ng […]

  • Online purchasing power ng mga Pinoy, lumakas sa reporma ng PBBM admin

    SINABI ni Navotas Congressman Toby Tiangco na ang paglakas ng online purchasing power ng mga Pinoy ay bunga ng inilatag na reporma ng administrasyon na layuning palawakin ang digital economy ng bansa.   “President Marcos identified Information Technology as one the key pillars of his administration, and we are now reaping the benefits of this […]

  • Rafael Nadal masayang inanunsiyo na magiging ama na sa unang pagkakataon

    MASAYANG ibinahagi ni Spanish tennis star Rafael Nadal na ito ay magiging isan ama na.     Ito ay dahil sa buntis sa unang pagkakataon ang asawang si Mery Perello.     Ang nasabing pahayag ng 36-anyos na tennis champion ay bilang pagkumpirma sa naging usapin ng ilang linggo matapos na makita ang asawa na […]