• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapasara sa POGOs maraming sektor ang maaapektuhan

NAGBABALA si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman at Chief Executive Officer (CEO) Alejandro Tengco na maraming sektor ang maaapektuhan sa pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).

 

 

Inihayag ni Tengco na hindi basta-basta ang pinagdadaanan ngayon ng mundo kabilang ang Pilipinas na nakakaranas ng krisis dahil sa digmaan ng Ukraine at Russia kung kaya ay apektado ang ekonomiya.

 

 

Ginawa ni Tengco ang pahayag nang tanungin tungkol sa posisyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) ngayong isasaalang-alang na mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapasara nito dahil sa hindi magandang naidulot nito sa bansa.

 

 

Bukod dito, sinabi rin ni Tengco na ang mga lisensyadong Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) na ito, tulad ng iba pang mga industriya, ay inaasahang kikita ng mas marami kumpara sa mga nakaraang taon na ang lahat ng industriya ay naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

 

 

Sa kasalukuyan, halos 10% ng mga koleksyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay mula sa mga lisensya ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) licenses. (Daris Jose)

Other News
  • Sa kinagigiliwang segment ng ‘AOS’: TOM, ‘di nasagot ang tanong tungkol kay CARLA kaya nadismaya ang netizens

    NAGBALIK na sa bahay nila ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.       Ipinaalam nila ito sa pamamagitan ng vlog nila na “After All” na nasa 10th episode na.  Nag-decide daw silang iwanan muna ang bahay nila, at lumipat sila sa kanilang condominium unit, nang pareho silang ubuhin, na inabot ng two weeks bago sila gumaling. […]

  • Parehong matapang at matulungin sa mga mahihirap: Sen. RAFFY at Sec. ERWIN, nagbukuhan sa ‘Korina Interviews’ ni KORINA

    ANO nga ba ang meron sa Tulfo Brothers na may katumbas ng respeto ang kanilang pangalan at halos lahat ay nanginginig sa kanila?   “Matagal ko nang kakilala ang magkapatid na Raffy at Erwin at sa kauna-unahang pagkakataon, opisyal ko na silang na-interview ng magkasama!   “At ngayon Senador na si Raffy at DSWD Secretary […]

  • Ambassador Huang, tiniyak kay PDu30 na walang dapat ipangamba sa pagkaka-angkla ng Chinese vessels sa Julian Filipino Reef

    TINIYAK ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte  na walang dapat ipangamba ang Pilipinas sa napaulat na presensiya ng Chinese vessels sa Julian Filipino Reef (Union Reefs).     Ito’y nangyari sa  isang “social call” na ibinigay ni Huang kay Pangulong Duterte sa Malacañang Palace sa  Maynila.     “Nagkaintindihan […]