PBBM, Biden posibleng magkita at muling magpulong sa Abril– envoy
- Published on January 28, 2023
- by @peoplesbalita
POSIBLENG muling magkita sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang kanyang US counterpart na si Joe Biden kapag nagtugma na available ang kani-kanilang iskedyul.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez, inaayos na ang paghahanda para sa posibleng muling pagkikita at pagpupulong ng dalawang lider, pansamantalang itinakda sa buwan ng Abril.
“Clearly, we need to have President Marcos come to Washington, DC. He is okay to have a meeting again with President Biden and these meetings have already been discussed extensively and I hope it will happen also around that timeframe,” ayon kay Romualdez.
Tiniyak ni Romualdez na iba ito mula sa naging pagdalo ni Pangulong Marcoss sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) noong Nobyembre.
Sinabi pa niya na titingnan pa kung ang magiging pagpupulong ay magiging bahagi ng official o state visit.
“Pres. Marcos is not choosy when it comes to the invitation. The most important is the substance of the meeting,” diing pahayag ni Romualdez.
Aniya, sa posibleng pagpupulong, maaaring sakop nito ay mga usapin mula ekonomiya hanggang seguridad.
“Food security, the US is very cognizant of that as one of the priorities of the Marcos administration. There will also be economic activity discussions between the two countries. It all boils down to our relationship with the United States so in terms of cultural, defense, security and economic issues,” dagdag na wika ni Romualdez.
Matatandaang, unang nagpulong sina Pangulong Marcos at Biden noong Setyembre ng nakaraang taon sa United Nations General Assembly sa New York.
2+2 Ministerial Meetings sa Washington, US Defense Secretary Lloyd Austin sa Pilipinas sa susunod na buwan.
Maliban sa posibleng pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Marcos at Biden, may mga top foreign at defense officials ang nakatakdang magpulong sa Washington sa Abril.
“This is very important again as far as our relationship with the United States. To be able to talk about issues not necessarily the West Philippine Sea but our overall global situation that we’re facing,” ng pahayag ni Romualdez.
Samantala, kinumpirma rin ni Romualdez na darating sa bansa si US Defense Secretary Lloyd Austin sa unang linggo ng Pebrero.
“President Marcos agreed to meet with him. They will discuss our defense treaty concerns,” ayon pa rin kay Romualdez.
-
MRT 3 and PNR nagbibigay ng libreng antigen test
Ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Philippine National Railways (PNR) ay nagbibigay ng libreng antigen testing sa mga pasaherong gustong sumailalim sa nasabing testing. Ayon sa MRT 3, ang mga tauhan nito ang siyang magbibigay ng antigen testing sa mga pasahero na nagsimula kahapon hanggang Jan. 14, Jan. […]
-
Wimbledon Grand Slam tournaments pinagbawalan ng makapaglaro ang mga Russian at Belarusian players
PAGBABAWALAN na ng Wimbledon Grand Slam tournaments ang mga manlalaro ng Russia at Belarus. Ito ay dahil sa ginawang pag-atake ng Russia sa bansang Ukraine. Sa kasalukuyan kasi ay nakakapaglaro ang mga manlalaro ng Russia at Ukraine sa mga ATP at WTA events dahil sa paggamit ng neutral flags mula ng […]
-
DALAGA TIMBOG SA P353K SHABU
Balik-kulungan ang isang 21-anyos na dalaga matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Eliseo Cruz ang naarestong suspek na si Lyza Andrade, (watchlisted), dating naaresto noong July 29, 2019 at nakalaya noong August […]