Karagdagang pondo ng gobyerno, hinihintay na lamang para masimulan ang proyekto ng LRT2 West Extension
- Published on January 30, 2023
- by @peoplesbalita
NAGHIHINTAY na lamang ng karagdagang pondo mula sa pambansang pamahalaan ang Light Rail Transit Authority (LRTA) upang tuluyang maituloy ang Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) West Extension project nito.
Ayon kay Light Rail Transit Authority Administrator Hernando Cabrera kumpleto na umano ang documentation at tapos na ang lahat ng plano pati ang mga technical designs ng West Extension Project.
Ang pagtatayo ng west extension ay lilikha ng tatlong station, isa malapit sa Tutuban PNR station, isa sa Divisoria, at isa malapit sa North Port Passenger Terminal sa Manila North Harbor’s Pier 4.
Sinabi ni Cabrera na nasa sampung bilyong piso ang kailangan para maipatupad ang naturang west extension project.
Sa kasalukuyan, nasa humigit-kumulang P1.7 billion na ang pondo ng Light Rail Transit Authority o LRTA. (Daris Jose)
-
5 Govt. Agency prioridad na iimbestigahan
LIMANG government agency na talamak sa katiwalian ang binigyan priyoridad na iimbestigahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra. Ayon kay Guevarra ,kabilang na ang Philippine Health Insur- ance Corp.(PhilHealth), Bureau of Customs , Bureau of Internal Revenue, Land Registration Authority, at ang Department of Public Works and Highways. Sinabi ni Guevarra na una na […]
-
IATF-EID, pag-uusapan ang posibleng Alert Level 4 sa NCR – DILG
SINABI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nakatakdang pag-usapan sa mga susunod na pagpupulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekOmendasyon na ilagay Na sa ilalim ng mas mahigit na Alert Level 4 status ang National Capital Region (NCR) […]
-
Mark Magsayo at Brandon Figueroa magbabakbakan para sa interim title ng WBC featherweight
MAGTUTUOS sina dating World Boxing Council featherweight champion Mark Magsayo at former unified WBC/World Boxing Association super-bantamweight titlist Brandon Figueroa ng United States sa Marso 4 para sa WBC interim 126-pound title sa Toyota Arena sa Ontario, California. May 24-1-0 (win-loss-draw), 16 knockouts record ang Pinoy at si Figueroa ay 22-1-1, 17KOs patungo sa […]