• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Labi ni Ranara, isinailalim sa NBI autopsy

ISINAILALIM na sa awtopsiya ng mga forensic expert ng National Bureau of Investigation (NBI) ang labi ng OFW na si Jullebee Ranara, na pinaslang at sinunog sa Kuwait ng kanyang tinedyer na amo.

 

 

Makaraang duma­ting sa bansa ang labi ni Ranara, agad na nagtu­ngo ang NBI forensic team sa punerarya sa Bacoor, Cavite na pinagdalhan sa bangkay.

 

 

Layon ng awtopsiya na masuri ang tinamong panloob at panlabas na pinsala sa katawan ng Pilipina para matukoy ang mga sirkumstansya na dahilan ng kaniyang pagkasawi.

 

 

Inaasahan naman na matatapos ang “histopathology at general toxico­logy examinations” sa mga sampol na tisyu sa loob ng dalawang linggo.

 

 

Nabatid na duma­ting sa bansa ang labi ni Ranara nitong Biyernes ng gabi at mismong ang pamilya niya ang humi­ling sa NBI na isailalim sa awtopsiya ang bangkay.

 

 

Natagpuan sa isang disyerto sa Kuwait ang labi ni Ranara na sinunog. Itinuturo ang 17-taong gulang na lalaking amo ng biktima na siyang suspek sa pagpaslang at sinasabing panggagahasa sa OFW. (Daris Jose)

Other News
  • Diskuwento sa pamasahe ipapalit sa libreng sakay ng EDSA Bus Carousel

    PINAG-AARALAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na magbibigay ng mga diskuwento sa mga pamasahe sa mga manananakay ng EDSA bus Carousel. Ang nasabing hakbang ay isa sa mga nakalinyang options sa halip na ang pagbabalik ng libreng sakay sa mga EDSA bus carousel. Sinabi ni DOTr Undersecretary Mark Steven Pastor na kanilang […]

  • ‘Gameboys’ nina ELIJAH at KOKOY, nominated sa ‘2021 International Emmy Awards’

    NOMINATED sa 2021 International Emmy Awards ang acclaimed Boys’ Love series na Gameboys na pinagbidahan nina Elijah Canlas at Kokoy De Santos.     In-announce ito ng IdeaFirst Company, ang creator of Gameboys, sa pamamagitan ng Instagram and Twitter pages noong Sept. 8.     May caption ito na, “Congratulations team Gameboys! International Emmy Awards […]

  • Australia ‘di bibigyan ng special treatment ang mga tennis players na naka-quarantine

    Tiniyak ng Australian health authorities na walang “special treatment’ sa mga tennis player na naka-quarantine bago ang pagsisimula ng Australian Open.   Sinabi ni Victoria Premier Daniel Andrews, magiging pantay-pantay ang pagtrato nila sa lahat ng mga naka-quarantine.   Ang nasabing hakbang ay para hindi na malabag ang anumang health protocols na ipinapatupad.   Nauna […]