• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Remulla itinangging pinoproteksyunan si Duterte sa ICC probe vs drug war

TAHASANG  itinanggi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinoproteksyunan niya sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sa isang panayam, binuweltahan ni Remulla ang ICC na siyang dapat magbigay sa kanila ng ebidensya na makakatulong sa isinasagawang imbestigasyon ng DOJ sa mga naganap na pagpatay kaugnay ng “war on drugs” ng nakaraang administrasyon.

 

 

Muli niyang iginiit na may sariling korte ang Pilipinas na gumagalaw kaya hindi kailangan ang pag-usig ng ICC. Responsibilidad umano ng DOJ ang loob ng bansa kaya sila ang may karapatan sa pagsasagawa ng imbestigasyon.

 

 

Una nang sinabi ni Remulla na hindi “welcome” ang muling pagbubukas ng ICC sa imbestigasyon at nakakairita lamang ito. Hindi rin umano niya papayagan ang anumang galaw na kukuwestiyon sa soberenya ng Pilipinas.

 

 

Sa muling pagbubukas ng ICC sa imbestigasyon, sinabi nito na hindi sila kuntento sa isinagawang im­bestigasyon ng Pilipinas sa “war on drugs” at hindi ito sasapat para ihinto ang imbestigasyon nila.

 

 

Samantala, sinabi ni Remulla na may posibilidad na pag-usapan niya at ni Vice President Sara Duterte ang ICC probe, lalo na at nagkikita sila bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos.

Other News
  • PITX may paglilinaw, lahat ng mga drivers negatibo raw sa drug test

    NILINAW ngayon ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na walang nag-positibo sa drug test na mga drivers na gumagamit sa bus terminal.     Ang naturang drug test ay isinagawa noong nakaraang linggo.     Nilinaw ito ni PITX spokesperson Jason Salvador kasunod na rin ng mga napaulat na mayroong mga drivers ng […]

  • Napunit ang Achilles heel sa shoot ng movie: Sen. BONG, humingi ng dasal sa publiko dahil baka maoperahan

    SA kanyang Facebook live ay humingi ng dasal si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa publiko dahil baka maoperahan.   Napunit kasi ang kanyang Achilles heel sa shoot ng entry niya para sa Metro Manila Film Festival, ang Alyas Pogi 4.   May eksena kasi na tumakbo siya ng ubod nang bilis kaya ayun, napunit […]

  • Bulacan, pasok sa mas maluwag na Alert Level 2

    LUNGSOD NG MALOLOS- Mas magiging maluwag ang quarantine restrictions sa Lalawigan ng Bulacan sa pagsailalim nito sa Alert Level 2 simula ngayong araw, Pebrero 1 hanggang 15, 2022.       Ayon sa Executive Order no. 5, series of 2022 o “An order adopting the implementation of Alert Level 2 in the Province of Bulacan […]