Mark Magsayo at Brandon Figueroa magbabakbakan para sa interim title ng WBC featherweight
- Published on February 4, 2023
- by @peoplesbalita
MAGTUTUOS sina dating World Boxing Council featherweight champion Mark Magsayo at former unified WBC/World Boxing Association super-bantamweight titlist Brandon Figueroa ng United States sa Marso 4 para sa WBC interim 126-pound title sa Toyota Arena sa Ontario, California.
May 24-1-0 (win-loss-draw), 16 knockouts record ang Pinoy at si Figueroa ay 22-1-1, 17KOs patungo sa 12-round fight ng Showtime at Premier Boxing Champions (PBC).
Napanalunan ni Magsayo, 27, at tubong Tagbilaran, ang WBC feather title laban kay American Gary Russell Jr. nung Enero 2022 via majority decision sa Atlantic City, New Jersey.
Pero nawala sa kaanyang ulunan ang karaangalan nang matalo sa Kanong si Rey Vargas sa split decision noong Hulyo sa San Antonio, Texas. (CARD)
-
Sunog, sumiklab sa Condo sa Ermita
SUMIKLAB ang sunog sa isang unit ng Solana condominium sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga . Sa impormasyon ng BFP Manila, bandang 7:25 ngayong umaga nang nagsimula ang sunog sa unit na nasa ika -5 palapag ng gusali sa Natividad Lopez St tabi ng Ayala bridge. Dahil sa maagap na pagresponde ng mga […]
-
10.7 milyong pamilyang Pinoy, nagsabing sila’y mahirap – SWS
MAY 10.7 milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap, batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS). Sa non-commissioned survey na ginawa noong Disyembre 12-16, 2021 sa may 1,440 respondents, 43 percent ng pamilyang Pinoy ay nagsabing sila ay mahirap, 39% ang nasa pagitan ng mahirap at hindi mahirap, 19% naman […]
-
OFWs na tinamaan ng COVID-19 sa virus hit Hong Kong tumalon sa 221
LALO pang dumami ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong na tinamaan ng COVID-19, ito habang suspendido na sa naturang Chinese administrative region ang flights mula sa walong bansa — kasama na ang Pilipinas. Sa tala ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), Huwebes, sinabi ni Hong Kong Labor Attaché […]