Mga bata bawal din sumama sa Simbang Gabi – MMDA
- Published on December 10, 2020
- by @peoplesbalita
Mahigpit ding pagbabawalan na dumalo sa Simbang Gabi o Misa de Gallo ang mga kabataan sa Metro Manila dahil sa nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease.
Napagkasunduan ng 17 alkalde ng Maynila na huwag payagan ang mga kabataan na may edad 17 pababa na lumabas ng kanilang mga bahay kung hindi naman importante ang kanilang lakad.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, bawal ding dumalo sa Simbang Gabi ang mga kabataan kahit pa inadjust na ang curfew upang bigyang daan ng mas maagang oras ang pagsasagawa ng Simbang Gabi.
Dagdag pa ni Garcia na maaaring magsimula ang Simbang Gabi ng 12:00 ng madaling araw hanggang alas-3:00 ng umaga.
Dahil na rin sa coronavirus pandemic, mas paiigtingin pa ang umiiral na health protocols tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face masks para sa mga dadalo ng Simbang Gabi.
-
Congratulations sa Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings
GUSTO kong i-congratulate ang Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings pagdomina sa Virtual Special Awards Night ng 45th Philippine Basketball Association 2020 na ginanap nitong Linggo, Enero 17 makaraan ang isang buwang pagwawakas ng Philippine Cup sa Angeles City, Pampanga bubble. Umiba ng nakagawian ang propesyonal na liga, walang ginawarang Most Valuable Player sanhi […]
-
QCINEMA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL GOES HYBRID FOR 2020!
DESPITE the COVID-19 pandemic, the love for cinema does not stop as the QCinema International Film Festival goes hybrid for 2020! Running from November 27 to December 5, the festival will hold screenings in an outdoor venue and online, via the TVOD platform UPSTREAM. According to festival director, Ed Lejano, they decided to […]
-
Malabon, nakahanda sa bagyong “Nika”
NAKAHANDA ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa posibleng banta na dala ng Tropical Storm “Nika” at sa iba pang kalamidad, kasabay ng pagtanggap nito ng mga bagong rescue boats mula sa Mang Ondoy Rescue Hub. Pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval at Konsehal Edward Nolasco ang pagtanggap ng 21 rescue boats, kabilang rito ang isang […]