• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abalos, pinangalanan ang 4 na miyembro ng 5-man committee na magrerepaso sa PNP resignations

ISINIWALAT ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang apat na miyembro ng five-man committee na magrerepaso sa courtesy resignations ng  Philippine National Police (PNP) senior officials.

 

 

Ang  apat na miyembro  ay sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., dating Defense chief Gilbert Teodoro, at Undersecretary Isagani Neres mula sa Office of the Presidential Adviser on Military Affairs.

 

 

Ang huling miyembro ng five-man committee ay nakiusap na huwag muna siyang pangalanan.

 

 

Nauna nang nanawagan si Abalos sa lahat ng police colonels at generals na magsumite ng courtesy resignation.

 

 

Layon nitong malinis ang Philippine National Police laban sa drug syndicates at “Ninja Cops.

 

 

Aniya, nagkasundo na diumano sila ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. hinggil sa kanyang apela.

 

 

Mayroon ding binuo na komite na may limang miyembro na siyang sasala sa resignation letter ng mga police colonels at generals.

 

 

Nagdesisyon si Abalos na hingin ang courtesy resignations ng mga senior officer sa PNP dahil sa aniya’y malala na “impeksyon sa organisasyon.”

 

 

Samantala, rerepasuhin din ng National Police Commission ang mga pangalan ng police officers kung saan tinanggap na ang pagbibitiw sa tungkulin.

 

 

Ang mga kinauukulang opisyal  ay binigyan ng hanggang Enero 31 para maghain ng kanilang resignation letter. (Daris Jose)

Other News
  • 2020 LBC RONDA: OCONER, BAGONG HARI

    KINORONAHAN ni George Oconer ang sarili bilang bagong hari ng LBC Ronda Pilipinas habang ang kanyang koponan na Standard Insurance-Navy ay muling tinanghal na team champion sa 10th anniversary race ng event na nagtapos kahapon (Miyerkules) sa harap ng provincial capitol sa Vigan, Ilocos Sur.   Nakontento ang 28-anyos na si Oconer na manatili sa […]

  • Del Monte Ave. to Fernando Poe, Jr. Avenue sa QC? Tama ba ‘to? Ano kaya ang sasabihin ni Da King tungkol dito?

    BIHIRANG bihira na magpanukala ng batas si Senator Lito Lapid kaya naman kapag mayroon ay mapupuna kaagad. Isa dito ang panukalang palitan ang pangalan ng makasaysayang Del Monte Avenue sa pangalan ng hari ng pelikulang Pilipino, Fernando Poe Jr. Marahil kung hindi ka taga San Francisco Del Monte, Quezon City, ay wa epek sayo ito […]

  • SUE at MARIS, sumabog ang galit sa ginawang pambababoy sa kanila; ABS-CBN, kinondena ang pagpapakalat ng fake nude photo

    NAGLABAS na ang ABS-CBN at Star Magic ng official statement regarding sa fake nude photo nina Sue Ramirez at Maris Racal na patuloy na nagsi-circulate online.     Narito ang full statement ng Kapamilya Network:     “It has come to our attention that maliciously edited images of our talents, Sue Ramirez and Maris Racal, have been circulating online. […]