• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

₱4-₱6 taas-pasahe sa MRT-3, inihirit

MAGING  ang pamunuan ng Manila Rail Transit Line 3 (MRT-3) ay humihirit na rin ng taas-pasahe dahil sa kawalan umano nito ng kita.

 

 

Nabatid na naghain ang MRT-3 ng petisyon sa Rail Regulatory Unit ng Department of Transportation (DOTr) para sa fare rate increase na mula P4 hanggang P6.

 

 

Sakaling maaprubahan ang naturang fare hike petition, ang minimum charge ng MRT-3 para sa biyahe mula North Avenue station hanggang GMA Kamuning ay inaasahang magiging P17 na mula sa kasalukuyang P13, habang ang maximum charge naman mula North Avenue station hanggang Taft Avenue ay magiging P34 mula sa kasalukuyang P28.

 

 

Ayon sa MRT-3, napapanahon na ang pagtataas ng pasahe dahil ang kanilang gastusin ay umaabot na sa P8,969,179,830.02 hanggang noong Nobyembre 2022, habang ang total revenue nito ay nasa P1,107,523,425.23 lamang.

 

 

Nagreresulta ­anila ito sa deficit na P7,861,656,404.79 o P88.34 government subsidy kada pasahero.

 

 

Nakatakda namang magpatawag ang DOTr ng public consultation hinggil sa petisyon sa Pebrero 17 upang makuha ang opinyon ng publiko, na siyang maaapektuhan nito.

 

 

Bukod sa MRT-3, inaasahan din namang magdaraos ng public hearing para sa hiling ng mga ito na P2.50 fare hike na hiling ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2). (Daris Jose)

Other News
  • SENIOR CITIZENS ID para sa PUBLIC TRANSPORTATION

    UMIIRAL pa rin ang 20 per cent discount sa public transport kahit na may 70 per cent maximum limit sa passenger capacity. May ilang senior citizen na pasahero na taga QC ang nagtatanong kung kikilalanin ng mga driver at konduktor ang bagong labas na QC card.  Bakit hindi? Nakalagay naman doon ang petsa ng kapanganakan […]

  • Ads October 21, 2023

  • Pacquiao dapat labanan si McGregor- Del Rosario

    ANG  pagsagupa ni retired world eight-division champion Manny Pacquiao kay Ultimate Figh­ting Championship (UFC) star Conor McGregor ang dapat maitakda.     Ito ang paniniwala ng retiradong taekwondo li­ving legend na si Monsour del Rosario sa hinihintay ng mga fans na exhibition match nina Pacquiao at McGregor.     “It’s still the fight that people […]