US, Pinas, tinalakay ang ‘destabilizing activities’ sa pinagtatalunang katubigan
- Published on February 4, 2023
- by @peoplesbalita
NAGDAOS ng pag-uusap ang Maynila at Washington hinggil sa konkretong aksyon para tugunan ang “destabilizing activities” sa Philippine waters.
“We discussed concrete actions to address destabilizing activities in the waters surrounding the Philippines including the West Philippine Sea,” ayon kay US Defense Secretary Lloyd Austin III.
“And we remain committed to strengthening our mutual capacities to resist armed attack,” dagdag na pahayag nito.
Aniya, pinagtibay nila ng kanyang Filipino counterpart na si Carlito Galvez Jr. ang kanilang ‘commitment’ sa ilalim ng decades-old Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
“We note the Mutual Defense Treaty applies to armed attacks on either of our armed forces, public vessels, or aircraft anywhere in the South China Sea or the West Philippine Sea,” paliwanag ni Austin.
Ang Estados Unidos ay magkakaroon na ng “wide access” sa military camps sa Pilipinas matapos na pumayag ang Maynila na magtalaga ng apat pang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites – karagdagan sa orihinal na lima.
Nangako rin ang Washington na tutulong para i-modernize ang Philippine military.
Winika ni Austin na ang pagsisikap na ito ay “especially important” habang ang China ay “continues to advance its illegitimate claims” sa West Philippine Sea. (Daris Jose)
-
DOH: 95% ng monkeypox cases sa mundo dahil sa ‘sexual contact,’ pero hindi STD
TINATAYANG 95% sa kaso ng monkeypox viral disease sa buong mundo ang naipasa sa habang nagsasagawa ng sekswal na mga gawain, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes. Pero nilinaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi sexually transmitted disease o STD ang naturang virus. “Hindi [s]iya classified as […]
-
Tila may patama rin sa isang presidentiable: VICE GANDA, trending dahil sa ‘pink outfit’ na ikinatuwa ng ‘Kakampinks’
NAGTI-TRENDING ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda sa Twitter noong April 18, isang araw pagkatapos ng controversial press conference sa Manila Peninsula nina Isko Moreno at Ping Lacson. Trending si Vice dahil kahit na hindi nagsasalita and unlike other celebrities na out and vocal sa kung sinong kandidato ang sinusuportahan nila […]
-
Para sa mga nasalanta ng Bagyong Carina… MARIAN at DINGDONG, nag-donate nang higit 700 relief packs
NAG-DONATE sina Marian Rivera at Dingdong Dantes nang higit sa 700 relief packs sa GMA Kapuso Foundation bilang bahagi ng relief operations para tulungan ang mga komunidad na nasalanta ng Super Typhoon Carina at ng Habagat. Nitong Biyernes ay makikita sa mga larawan na nagre-repack si Kapuso Primetime Queen ng mga relief goods sa bahay kasama ang […]