• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng itlog sa ibang bansa, tumaas din—DA

SUMIRIT  din ang presyo ng itlog sa ibang bansa.

 

 

Dahil dito, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na hindi “exclusive” para sa Pilipinas ang pagtaas ng presyo ng itlog kundi ito’y  kasalukuyang global issue.

 

 

Base sa pinakabagong data ng DA,  sa kanilang price monitoring , makikita rito na ang medium-sized eggs ay may presyo na P9  kada piraso sa ilang pamilihan sa Kalakhang Maynila.

 

 

Gayunman, sinabi ng ahensiya na ang presyo ay hindi dapat na tumaas na kasing-taas ng kanilang ‘current rate’ lalo na kung ibabase sa  production costs.

 

 

“Mayroon po tayong nakita na P6.20 na cost to produce tapos syempre may iba pang incidental cost P7 pero again to factor in agricultural input at P7.20 tapos ‘yung byahero plus retailer ang per piece po hindi po dapat aabot ng P9 per piece ang itlog,” ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista.

 

 

Sa kabilang dako, batay naman sa pinakabagong survey ng Philippine Egg Board (PEB), ang farmgate prices sa iba’t ibang parte ng bansa ay ang mga sumusunod:  P5.93 kada piraso sa Cebu;  P6.50 sa Laguna, at P9 sa Iloilo.

 

 

Sinabi pa rin ng PEB na ang pagtaas ng presyo ay problema rin sa ibang bansa gaya ng Japan,  Estados Unidos, at New Zealand.

 

 

Sa ulat, ang presyo ng itlog sa New Zealand ay P20.76 kada piraso piece; P17.59  kada piraso sa Amerika; P11.41 kada piraso sa United Kingdom, at P8.58 kada piraso sa  Japan.

 

 

“Hindi lamang ito sa Pilipinas nararanasan but we are open din to look for a solution that will protect our producers,” dagdag na pahayag ni Evangelista.

 

 

“One of the solutions to lower the prices is to reduce the production costs of egg farming,” ayon naman sa DA.

 

 

Subalit para sa Philippine Egg Board Association (PEBA), mahalaga na konsultahin ang lahat ng stakeholders at pag-aralan ang karagdagang halaga na ipinataw sa pagbebenta ng itlog.

 

 

“Kausapin din nila ‘yung mga middleman, ‘yung mga biyahero tsaka ‘yung mga retailers para tanungin nila bakit ganoon,” ayon kay PEBA chairperson Gregorio San Diego. (Daris Jose)

Other News
  • Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez, pinuri ng Malakanyang

    PINURI ng Malakanyang si Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez para sa pagbibigay kasiyahan sa mga mamamayang Filipino at karangalan sa bansa sa katatapos lamang na 70th Miss Universe competition sa Israel.   Isang miyembro ng armed forces, isang atleta at youth advocate, si Ms. Gomez ay maituturing na “inspiring figure” kung saan ang naging partisipasyon […]

  • PFL tinungo ang ilang lugar sa Laguna para sa bubble game

    BINISITA ng Philippine Football League (PFL) ang mga lugar na paggaganapan ng kanilang bubble games.   Sinabi ni PFL commissioner Coco Torre, tinungo nila ang Seda Nuvali sa Sta. Rosa city, Laguna.   Tiningnan nila ang mga pasilidad nito para maisagawa na ang pagbabalik ng mga football games.   Balak kasi ng PFL na magsagawa […]

  • Karagdagan 3 istasyon ng LRT 2 pinag-aaralan

    MATATAPOS  na ang feasibility study na ginagawa ng Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa pagdadagdag ng 3 istasyon sa Light Rail Transit Line 2 East Extension.       Ginawa ang pag-aaral upang maraming pasahero ang mabigyan ng serbisyo at nang mabawasan ang passenger volume na dumarami sa final stop ng Masinag,  Antipolo.   […]