Bilang parangal kay Ka Blas, Bulacan, nagsagawa ng job fair at libreng medical mission para sa mga Bulakenyo
- Published on February 6, 2023
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng pagpupugay sa Ika-96 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Blas F. Ople, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng Job Fair (Local and Overseas Employment) at Department of Migrant Workers-PGB Medical Mission sa pakikipagtulungan ng Damayan Sa Barangay na isinagawa sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito noong Biyernes.
Ayon kay Abgd. Kenneth Z. Ocampo-Lantin, pinuno ng PYSPESO, mahigit 3,000 mga Bulakenyo ang nag pre-register sa job fair kung saan 48 na mga local employers ang may hatid na 4,309 na trabaho habang 22 overseas agencies naman ang may hatid na kabuuang 6,918 na bakanteng trabaho sa ibang bansa.
Sa kanyang mensahe bilang panauhing pandangal, pinaalalahan ni Kalihim Maria Susana ‘Toots’ V. Ople ng DMW ang mga Bulakenyo na maging maingat sa mga trabahong inaalok mula sa online platforms gaya ng Facebook at hinikayat ang mga naghahanap ng trabaho na isaalang-alang din ang lokal na empleyo.
“Lahat tayo nakatingin sa overseas na mga trabaho pero mahirap mawalay sa pamilya. Kaya sana balansehin ninyo ang pagdedesisyon dahil hindi lahat ay pang OFW. At pakiusap namin ni Governor, huwag papatol sa mga trabaho na pino-post sa Facebook. Kaya may mga nabibiktima at napapahamak dahil hindi nakikilala ang employer. Dati ang illegal recruitment face to face, ngayon puro online na. Mayroon din tayong mga government agencies na nandito sa job fair kaya sana samantalahin n’yo na,” ani Kalihim Ople.
Inihayag naman ni Gob. Daniel R. Fernando ang kanyang interes na magsagawa ng job fair kada buwan at siniguro na bawat Bulakenyo ay makikinabang sa lumalagong ekonomiya ng lalawigan.
“Ang job fair po natin ngayon ay alay natin sa alaala ni Blas Ople because today is his birthday. Pinasasalamatan natin ang mga ahensya na katuwang ng ating Pamahalaang Panlalawigan. Patuloy po tayo sa paghikayat sa pagpasok ng iba’t ibang kumpanya, proyekto, negosyo’t pamumuhunan sa Bulacan. Ito ay upang matiyak natin na masigla ang mga lokal na ekonomiya at may nakalaang mga trabaho sa bawat Bulakenyo. Bulakenyos, parating na ang development sa atin,” anang gobernador.
Nag-alok rin ang job fair ng one-stop shop kung saan maaaring makakuha ang mga aplikante ng serbisyong pang gobyerno mula sa SSS, PSA, Pag-IBIG, PhilHealth, BIR, DMW, DTI at DOLE. Samantala, nagpasalamat naman sa Pamahalaang Panalalawigan si Jeymalyn Larin, isang fresh graduate, dahil isa siya sa mga na-hire on the spot.
“First time ko po mag-apply dahil fresh graduate po ako at masaya po talaga ako na na-hire agad ako bilang cashier sa Villarica. Maraming salamat po sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pagbubukas ng mga oportunidad sa kagaya ko na naghahanap ng marangal na trabaho,” ani Larin.
Kasabay ng job fair ang medical mission para sa mahigit 400 Overseas Filipino Workers at mga Bulakenyo kung saan maaari silang mag-avail ng libreng general checkup, mga gamot, bakuna laban sa tigdas, COVID-19 vaccines at booster shots sa tulong ng 10 duktor mula sa DMW, 10 duktor mula sa Lalawigan ng Pampanga, at walong duktor mula sa Pamahalaang Panalalawigan ng Bulacan.
-
CATRIONA, may sweet birthday message kay SAM, netizens ‘di pa maka-move on sa kanilang relasyon
SOBRANG sweet at nakakikilig ang Instagram post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa love na love na boyfriend na si Sam Milby na hindi nga niya nakasamang mag-celebrate dahil nasa Australia pa siya. Pinost ni Queen Cat ang photo nila ni Sam na may caption na, “Happy birthday my love […]
-
Matapos sabihan ni dating DFA Sec. del Rosario na traydor si Pangulong Duterte: Sec. Roque bumuwelta, ikaw iyon!
IKAW iyon. Ito ang buweltang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa akusasyon ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na “traydor” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil di umano’y may impluwensiya ang bansang China sa 2016 Philippine elections para siguraduhing maupo ang Chief Executive bilang halal na Pangulo ng bansa. Kapansin-pansin […]
-
CBCP president Virgilio David kabilang na itinalaga ni Pope Francis bilang bagong Cardinal
KABILANG si Kalookan Bishop at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president Virgilio David sa 21 napili ni Pope Francis na maging bagong cardinals ng Simbahang Katolika. Isinagawa ng Santo Papa ang anunsiyo sa kanyang misa sa Vatican. Isasagawa ang installation ng bagong talagang cardinals o tinatawag na consistory sa darating na […]