• May 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CATRIONA, may sweet birthday message kay SAM, netizens ‘di pa maka-move on sa kanilang relasyon

SOBRANG sweet at nakakikilig ang Instagram post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa love na love na boyfriend na si Sam Milby na hindi nga niya nakasamang mag-celebrate dahil nasa Australia pa siya.

 

 

     Pinost ni Queen Cat ang photo nila ni Sam na may caption na, “Happy birthday my love @samuelmilby! So sad I can’t be with you today to celebrate (even though you hate birthdays) but so thankful I get to do life with you. ILYSM.”

 

 

     Marami naman ang natuwa at bumati kay Sam na nag-celebrate ng 37th birthday, celebrity friends man o netizens.

 

 

Pero may mga bashers pa rin na ayaw magpaawat sa pagko-comment sa relasyon nina Sam at Cat, na ‘yun iba ay hindi pa rin talaga maka-move on at matanggap.

 

 

Ilan nga sa iba’t-ibang reaksyon ng netizens sa entertainment website na fashionpulis.com:

 

“ang papabol naman ng mga jowa ng mga beauty queen.”

“Ang yummy ni Sam huhu.”

“I noticed that every time they have a picture together Catriona’s head and body posture is always bent down para mag mukha siyang mas maliit kay Sam. Both of them are 5’10 but the girl looks taller than the guy.”

“Di talaga sila pantay ng status, akala ko Tim Tebow levels ang makakatuluyan ni Cat.”

“baket ano bang level meron si Tim Tebow? can you guarantee that she will be happy with a guy like him? napakababaw and superficial way of analyzing compatibility!”

“Sikat at mayaman din si Sam Milby na galing sa sariling-sikap. Kung sa looks naman, guwapo rin siya.”

“Ikr.. look at Pia umangat level nya from unknown car racer to Ceo of an org… well know na sya internationally hndi pa sya nag level up.”

“Ang bagsak lang naman ng mga nagpapageant e maging asawa ng mga Jocks/Athlete, Actor/Celebrity, Mga BigTime Business Owner at Old Political name family! Tapos irarampa mga material wealth nila na mga European Brands. O kaya mag-aartista o maghohost! Kaya nga nagtataka ako sa mga questions sa kanila na mga Social Problems, Political Issues at Decision Making concerning Life and Death Situations.”

“If you are miss Universe, you get someone with the same caliber. Wag kuha ng boyfriend na puchu puchu.”

“Love them together.”

“Sweet naman. Kilig!”

“sweet and cute.”

“Sad to say, its all downhill for this girl when she broke up with Clint, started singing and made Sam her bf. She lost that spark.”

“Super downgrade. Sam pa talaga.”

“ito ang pampanira ng career ni Cat. Inuuna mo yung lovelife palagi girl. Wag ganun.”

“uhm, i dont find them bagay. Pls dont bash me. Cguro kasi miss u sya noh kaya ang taas ng expectation ko sa magiging fb ni cat hihi. I mean look at pia and demi.”

“Talagang Swerte ni Demi kay Tim, Know him personally, mabait at mapagmahal sa Diyos si Tim. Mabait rin si Demi, mayroon siyang inalaagn na sister na disabled.”

“You guys are weird. This is cat own choice. He heart chooses him so be it and this not like he doesn’t have money himself.”

“paki explain kung ano mataas sa level sa pagiging beauty queen? anong kaibahan nila sa ibang career women?”

“Nice couple. HB Sam!”

“For me bagay sila. Happy Birthday, Sam!”

“Unpopular opinion: Ang swerte ni Cat Kay Sam.”

“Paano naging swerte si Cat?”

“I really wonder what’s with the ‘downgrade’ comments. If you see how john prats, angelica p, moira, etc. speak about Sam, parang ang bait bait niya. Walang ere, walang pa-mysterious effect.”

“I dont get it..bakit downgrade si Sam? Mukhang ang bait naman nung tao, guwapo, not a big star but he seems fine, hindi siya mahirap lol, may production company sila nila john prats, loved by his friends, walang nega attitude about him na nbabalita. Miss U si Cat but she seems to have come from a normal aussie family, di naman siya high society sa Oz. For me bagay sila. Sam is older, but then Cat is not that young also. I wish them happiness!”

Samantala, excited na si Queen Cat dahil sa wakas iri-release na ang kanyang song na “Raise Your Flag”.

 

 

Post pa niya, I’m so proud to finally be releasing #RYF – a song and personal anthem of mine. The message of this song has always meant more than raising our country’s flag on a universal stage – it’s about feeling that your dreams are VALID, that your voice MATTERS and that life is best lived when it’s lived for OTHERS.

 


     #RYF For the ones who think they can’t get somewhere. For the ones who think no one believes in them. For the ones who feel like giving up. “

 


     “Streaming on all music platforms 05.28.21 @starmusicph @csmusic.ph.”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • ‘Household lockdowns,’ inirekomenda sa pamahalaan dahil sa pagsirit ng COVID cases

    Nananawagan si Marikina Rep. Stella Quimbo sa pamahalaan na magpatupad ng “household lockdown” sa harap nang surge ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) sa bansa.     Sa isang statement, sinabi ng ekonomistang kongresista na kailangan na magkaroon ng mas marami pang “localized lockdown” para mapigilan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19.     Ayon kay […]

  • Bukod tangi sa NCR, Navotas kinilala ng COA

    NAKAMIT ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ikalimang sunod na taon ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) matapos bigyan ng ahensya ng “unmodified opinion” ang presentasyon ng lungsod ng 2019 financial statements nito.   Namummukod-tangi ang Navotas na lokal na pamahalaang nakagawa nito sa Kalakhang Maynila.   Labis naman itong […]

  • Miyembro ng “Legaspi Drug Criminal Group”, tiklo sa baril at shabu Navotas

    KALABOSO ang isang miyembro ng “Legaspi Drug Criminal Group” matapos makuhan ng baril at shabu sa isinagawang operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Alfredo Borlongan alyas “Hill”, 32 ng S. Roldan St., Brgy. Tangos South.   […]