• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez, binalaan ang mga nagmamanipula sa presyo ng sibuyas at bawang sa merkado

“YOUR  days are numbered.”

 

 

Ito ang babala ni House Speaker Martin Romualdez sa mga nagmamanipula ng presyo ng sibuyas at bawang para tumaas ang bentahan sa merkado na kagagawan ng mga unscrupulous traders and hoarders.

 

 

Sinabi ni Speaker na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa mga nasabing indibidwal na nasa likod ng pag-iimbak ng sibuyas at ngayon ay ang bawang para lumikha ng artipisyal na kakulangan ng suplay ng sa gayon tataas ang presyo.

 

 

Napansin din ni Speaker na sa kabila ng nagpapatuloy na harvest season at ang pagdating ng mga imported na sibuyas sa bansa ay nananatili ang mataas na presyo.

 

 

Inatasan ni Speaker Romualdez ang House Committee on Agriculture and Food na magsagawa ng imbestigasyon at kung may sapat na ebidensiya, mag rekumenda na magsampa ng kaukulang kasong kriminal laban sa mga indibidwal na nasa likod ng pag-iimbak ng mga suplay.

 

 

“This is economic sabotage,” pahayag ni Speaker Romualdez.

 

 

Ayon kay Speaker Romualdez, pag-aaralan ng House panel ang opsyon na irekomenda sa Pangulo ang calibrated importation ng sibuyas at bawang bilang isang paraan para pilitin ang mga walang prinsipyong indibidwal na ito na mag-diskarga ng kanilang mga stock at ibaba ang mga presyo upang maibsan ang pasanin sa mga mamimili.”

 

 

Gayunpaman, ipinunto ni Speaker Romualdez na ang naturang importasyon ay hindi dapat makapinsala sa kapakanan ng mga lokal na magsasaka.

 

 

“It is very important to ensure that any importation should consist of such quantity and be done well ahead of the harvest season to avoid any adverse effect on the livelihood of our local farmers,” pagbibigay-diin ni Speaker Romualdez.

 

 

Bukod sa isasagawang imbestigasyon, nais ni Speaker Romualdez na magkaroon ng daily monitoring sa presyo ng sibuyas at bawang sa mga palengke.

 

 

“People are still trying to recover from the pandemic. The last thing we need is an unreasonable rise in food prices,” pahayag ni Speaker Romualdez.

 

 

Dagdag pa ni Speaker na dapat seryosong tugunan ng mga mga concerned agencies ang isyu sa smuggling ng sibuyas at iba pang mga agricultural products. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, nakiisa sa buong mundo sa pagkilala sa papel ng mga kababaihan

    SALUDO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kababaihan na patuloy na nagpapakita ng tapang at determinasyon sa kanilang  tahanan, trabaho, at komunidad.     Ito ang  naging posts ng Pangulo sa kanyang Facebook at Twitter account.     “Happy International Women’s Day!” ang post ng Pangulo kasama ang larawan ng kanyang may-bahay na si […]

  • Suhestiyong extension ng MRT-LRT ops, huwag agad ibasura

    UMAPELA ang Akbayan Partylist sa Department of Transportation (DOTr) na pagisipan muli ang desisyon nitong ibasura ang suhestiyon na palawigin ang operating hours ng mga rail systems—LRT-1, LRT-2, at MRT-3.     Hinikayat pa ng partylist ang ahensiya na makipagdayalogo sa mga commuters at sagutin ang kanilang hinaing.   “Makinig at makisimpatiya naman ang DOTr […]

  • Metro Manila malapit ng magkaroon ng 6 police districts

    MALAPIT ng magkaroon ng anim na police district ang National Capital Region (NCR) kasunod ng panukalang Caloocan City Police District (CCPD) na nangangailangan lamang ng green light mula sa National Police Commission (Napolcom).     Ayon kay City Police Station chief Col. Ruben Lacuesta na ang panukala ay matagal nang isinumite ng mga nakatataas sa […]