• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nakiisa sa buong mundo sa pagkilala sa papel ng mga kababaihan

SALUDO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kababaihan na patuloy na nagpapakita ng tapang at determinasyon sa kanilang  tahanan, trabaho, at komunidad.

 

 

Ito ang  naging posts ng Pangulo sa kanyang Facebook at Twitter account.

 

 

“Happy International Women’s Day!” ang post ng Pangulo kasama ang larawan ng kanyang may-bahay na si Unang Ginang  Liza Araneta-Marcos, at mga babaeng Cabinet officials kabilang na sina Vice President at  Education Secretary Sara Duterte, Migrant Workers Secretary Susan Ople, Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil. Environment Secretary Maria Antonia Loyzaga, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Health Officer-in-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire, at Tourism Secretary Christina Frasco.

 

 

“International Women’s Day is celebrated every March 8 to recognize women for their achievements without regard to divisions, whether national, ethnic, linguistic, cultural, economic, or political,” ayon sa United Nations (UN).

 

 

Ang unang naitalang pagdiriwang ng International Women’s Day ay noong  1911 sa  Austria, Denmark, Germany, at Switzerland kung saan  mahigit sa milyong katao ang nagsama-sama para suportahan ang women’s rights.

 

 

Sa Pilipinas, ipinagdiriwang nito ang National Women’s Day tuwing Marso  8 sa pamamagitan ng  Republic Act No. 6949.

 

 

Proclamation 224 kung saan idineklara rin ang Marso 8  bilang “Women’s Rights and International Peace Day” at ang unang linggo ng Marso bilang Women’s Week habang ang  Proclamation 227 ay idineklara naman bilang “Women’s Role in History Month.”

 

 

“This year’s National Women’s Day celebration goes by a recurring theme from this year to 2028 namely “WE for gender equality and inclusive society”,  ayon sa  Philippine Commission on Women (PCW) website.

 

 

“WE” ay nangangahulugan na  Women and Everyone and Women’s Empowerment.

 

 

“The recurring theme aligns with the Philippine Development Plan 2023-2028, which aims for “deep economic and social transformation to reinvigorate job creation and accelerate poverty reduction by steering the economy back on a high-growth path.” ayon sa ulat.

 

 

“It also highlights that growth must be inclusive, building an environment that provides equal opportunities to all Filipinos and equipping them with skills to participate fully in an innovative and globally competitive economy,” ayon pa rin sa ulat. (Daris Jose)

Other News
  • Skyway Stage 3, toll free pa – TRB

    Libre pa ring magagamit ng mga motorista ang  Skyway Stage 3 hanggang hindi pa naisasapinal ng Toll Regulatory Board (TRB) ang panukalang toll rates dito.     Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpus, hangga’t hindi pa nagbibigay ng pormal na pag-apruba ang TRB sa ipinapanukalang toll rates sa Skyway Stage 3 ay hindi pa rin […]

  • 4 wildlife traders nalambat ng Maritime Police sa entrapment operations

    APAT na umano’y wildlife traders ang natimbog ng mga tauhan ng Maritime police sa magkakahiwalay na entrapment operations na may kaugnayan sa ‘All Hands Full Ahead’ sa iba’t-ibang lugar sa National Capital Region at Bulacan,     Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station chief PMAJ John Stephanie Gammad, dakong alas-11:56 ng umaga noong March […]

  • 3 KATAO HULI SA DROGA SA MAYNILA

    SWAK sa kulungan ang tatlong indibidwal nang mahulihan ng marijuana at shabu sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 7  Biyernes ng madaling araw.     Sa imbestigasyon ng pulisya, kinilala ang mga suspek na sina Rufino Casilit apyas Basi ,47; Loisa Casipit ,19, kapwa nakatira sa Prudencia St., […]