DOH, naghahanap pa ng karagdagang pondo para sa mga health workers ng bansa
- Published on February 8, 2023
- by @peoplesbalita
NAGHAHANAP pa ng karagdagang pondo ang Department of Health para sa healthcare workers benefits ng bansa.
Ayon kay Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, magkakaroon sila ng pagpupulong kasama ang Department of Budget and Management upang ma identify ang ilan pang source of fund para mapunan ang kulang na budget sa healthcare workers benefits.
Ilan raw sa kinakaharap na problema ng ahensya ay ang Memorandum of Agreement sa ibang pasilidad na hindi pa naisasapinal, dagdag pa ni Officer in Charge Vergeire, ang ibang private at local facilities ay hindi kumpleto ang liquidation sa mga pondo na kanilang inilaan kaya mayroong delay sa disbursement na iniiwasan din raw nila.
Samantala, patuloy naman ang allowance para sa 805,000 local government healthcare workers, private sector at national government healthcare workers.
Matatandaan na mayroon nang naunang budget na inilaan sa nasabing ahensya, ito ay nasa 72 billion pesos.
Ang budget na ito raw ay hindi pa sapat kaya kinakailangang pa ng karagdagang pondo upang maipamahagi at mapunan ang arrears noong 2021 at 2022 sa mga healthcare workers ng bansa. (Gene Adsuara)
-
10 drug personalities natimbog sa Caloocan
Sampung hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang apat na babae ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na drug opereation sa Caloocan City. Sa report ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong 12:40 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation […]
-
Pangakong pagsakay sa Jetski papuntang West Philippine Sea, pure campaign joke-PDu30
“It was a pure campaign joke.” Ito ang inamin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa kanyang sinabi noong 2016 ukol sa pagsakay niya sa jetski para pumunta ng West Philippine Sea at sabihin sa mga Tsinoy na pag-aari ito ng Pilipinas. Patuloy kasing inuungkat ng kanyang mga kritiko ang naging pahayag nito […]
-
UP guard Bea Daez, ikinagulat na mapili bilang WNBL ambassador
Ikinagulat ni dating University of the Philippines guard Bea Daez-Fabros sa pagkakapili sa kaniya ng WNBL bilang ambassador. Sinabi nito na hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ang alok ni NBL executive vice president Rhose Montreal. Dagdag pa nito na layon nito ngayon ay palaguhin ang women’s basketball sa bansa. Nag-represent na […]