• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CA retired justice, ika-5 miyembro na bubusisi sa PNP generals, colonels

TINUKOY ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr., si retired Court of Appeals (CA) Justice Melchor Sadang bilang ika-5 miyembro ng five-man committee na nakatakdang magrepaso sa courtesy resignations na isinumite ng mga senior officials ng Philippine National Police (PNP).

 

 

“Si Justice Sadang ay naging Associate Justice ng Court of Appeals nung 2011 up to 2017, presiding judge ng RTC Cavite City nung 2000 up to 2011 at talagang dumaan sa pag-iiscreen at kami ay nagpapasalamat kay Justice Melchor Quirino Cabarroguis Sadang sa pagtanggap niya bilang 5th member nitong advisory group,” ayon kay Abalos.

 

 

Una nang tinukoy ni Abalos ang apat pang mi­yembro na sina retired police general at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., dating defense secretary Gilberto Teodoro at retired police general Isagani Nerez.

 

 

Magko-convene na ang komite sa Lunes ng susunod na linggo. Ang naturang komite ang magsusumite sa Napolcom ng mga pangalan ng mga opisyal ng pulisya na ang courtesy resignation ay kanilang tatanggapin, para sa panibagong beripikasyon bago tuluyang isumite ito sa Pangulo.

 

 

Inaasahan ni Abalos na magiging patas ang isasagawang assessment at matatapos nila ang naturang proseso sa loob ng 3 buwan. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Tuition hike, asahan sa mga unibesidad at kolehiyo sa bansa’ – CHEd

    Inilatag ni Commission on Higher Education (CHEd) Commissioner Aldrin Darilag ang posibleng kaharapin na hamon ng mga estudyante at kanilang mga magulang dulot ng coronavirus pandemic.   Ito’y dahil na rin sa biglang pagbaba ng mga estudyanteng nag-enroll sa susunod na semester pati na rin ang malaking pagkalugi ng mga private higher education institutions.   […]

  • Nadia, namahagi rin sa taunang ‘Noche Buena sa Kalsada’: CATRIONA, namigay ng ayuda sa isang libong pamilya noong Pasko

    IBANG klase si Miss Universe 2018 Catriona Gray dahil isang libong pamilya ang binigyan niya ng grocery items nitong Pasko.     Ang mga biniyayaan ni Catriona ay mga beneficiaries ng Young Focus PH, isang non-government organization na naglalayon na mabigyan ng importansiya ang “mental, physical and social well-being” ng mga kabataan sa mahihirap na […]

  • Psalm 33:5

    The earth is full of God’s unfailing love.