‘Tuition hike, asahan sa mga unibesidad at kolehiyo sa bansa’ – CHEd
- Published on June 10, 2020
- by @peoplesbalita
Inilatag ni Commission on Higher Education (CHEd) Commissioner Aldrin Darilag ang posibleng kaharapin na hamon ng mga estudyante at kanilang mga magulang dulot ng coronavirus pandemic.
Ito’y dahil na rin sa biglang pagbaba ng mga estudyanteng nag-enroll sa susunod na semester pati na rin ang malaking pagkalugi ng mga private higher education institutions.
Sa isinagawang Senate committee hearing on Sustainable Development Goals, bukod pa sa mga nabanggit na problema ay maaari ring tanggalin ang mga part-time at non-regular faculty members.
Nababahala rin umano si Darilag kung papaano mapapanatiling konektado ang guro at kaniyang mga estudyante upang makapag-aral maging ang gagastusin para mapanatili ito.
Malaking adjustment din para sa magkabilang-panig ang biglang transition sa flexible learning modalities tulad ng technology-mediated at blended learning.
Hindi raw kasi kasama sa pondo ng CHED ang kahit anong capital outlay at hindi rin maisasama sa kanilang request ang pagbili ng mga ICT-related outlay maging ang mga learning equipment tulad ng Brightspace o Blackboard.
Dahil dito ay umapela si Darilag sa Senado na tulungan ang ahensya na matugunan ang kinakailangang financial requirement.
Una nang kinumpirma ni President Rodrigo Duterte na inatasan nito ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na makipagtulungan sa Department of Education (DepEd) at CHEd para sa pamimigay ng libreng WiFi sa mga eskwelahan. (Daris Jose)
-
Mahigit 144,000 minors na edad 15-17-yrs. old target na mabakunahan sa MM
Mayroong 144,131 na mga minors na may edad 15-17-anyos ang target sa pilot pediatric COVID vaccination sa Metro Manila. Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na ang nasabing bilang ay pawang mga mayroong comorbidities. rograma mula Oktubre 22-31 sa mga LGU based hospital na mayroong […]
-
Hidilyn Diaz tanggap na walang manonood na kaibigan at kaanak sa Tokyo Olympics
Handang sumabak sa Tokyo Olympics si Filipina weight lifter Hidilyn Diaz kahit na walang manonood na mga kaibigan at kaanak. Kasunod ito ng naging desisyon ng Olympic organizers na bawal muna manood ang personal ang mga nasa ibang bansa dahil sa banta pa rin ng COVID-19. Sinabi ni Diaz na nalungkot […]
-
Spoelstra gagawing consultant ng Gilas
TARGET ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makuha ang serbisyo ni NBA champion coach Erik Spoelstra ng Miami Heat upang maging consultant ng Gilas Pilipinas. Paghahandaan ng Gilas Pilipinas ang pagsabak nito sa FIBA World Cup sa susunod na taon na magkakatuwang na iho-host ng Pilipinas, Japan at Indonesia. Kaya […]