Donaire tutok sa training camp
- Published on December 10, 2020
- by @peoplesbalita
Todo ensayo na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire ilang araw bago ang pagbabalik-aksyon nito kontra kay Puerto Rican Emmanuel Rodriguez sa Disyembre 19 (Disyembre 20 sa Maynila) sa Mohegan Sun Arena sa Montville, Connecticut.
Kabilang sa mga tinututukan ang diet ni Donaire upang matiyak na tama ang nutrisyong nakukuha nito sa kanyang mga kinakain.
Bago magsimula ang training camp, naglalaro sa 127 hanggang 130 pounds ang kanyang timbang ngunit mabilis itong napababa ni Donaire sa catch weight na 118 pounds.
Sumailalim din sa ma-titinding sparring sessions ang 38-anyos Pinoy pug upang masiguro na siyento por siyento ang kahandaan nito bago sumalang sa laban.
Iniiwasan ni Donaire na matulad kay World Boxing Council (WBC) champion Nordine Oubaali na magugunitang tinamaan ng COVID-19 dahilan upang maudlot ang kanilang paghaharap.
Nakatakda sana ang laban nina Donaire at Oubaali sa Disyembre 12 subalit ipinagpaliban ito dahil sa sitwasyon ng French boxer.
Idineklara ng WBC bilang world champion “in-recess” si Oubaali.
Naging kapalit ni Oubaali si Rodriguez bilang kalaban ni Donaire.
-
Tautuaa, Gilas ‘Pinas 3×3 babatak sa ‘Calambubble’
UUMPISAHAN na sa darating ng Linggo ng Gilas Pilipinas national men’s 3×3 basketball team ang ‘Calambubble’ training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang preparasyon sa International Basketball Federation Olympic (FIBA) Qualifying Tournament sa Mayo 26-30 sa Graz, Austria. Magpapatikas ng porma sina Philippine Basketball Association (PBA) stars Moala ‘Mo’ Tautuaa […]
-
Chua nahugot ng NLEX sa Phoenix
NAGDAGDAG ng puwersa sa shaded lane ang NLEX matapos kunin si center Justin Chua mula sa Phoenix at ibinigay si forward Kris Porter bukod sa dalawang draft picks. Ang 6-foot-7 na si Chua ay nagtala ng mga averages na 5.3 points at 2.5 rebounds para sa kampanya ng Fuel Masters sa PBA Governors’ […]
-
Kalayaan College sa QC nagsara na rin dahil sa kalugian dala ng pandemya
NAG-ANUNSIYO kahapon ang Kalayaan College na nasa Quezon City upang ipaalam ang tuluyan na rin nilang pagsasara. Sa abiso ng naturang kolehiyo ipinaabot nila ang kadahilanan ng pagtigil na ng operasyon ay bunsod ng patuloy umanong kalugian na pinatindi pa ng pandemya. Ang naturang kolehiyo ay una na ring itinatag noong […]