Dahil sensitibo ang tema ng musical film: CASSY, medyo pressured at may takot sa magiging response ng tao
- Published on February 10, 2023
- by @peoplesbalita
EXCITED si Cassy Legaspi na mapasama sa musical film na ‘Ako Si Ninoy’.
“Ang daming first—first movie, first musical. Of course, medyo pressured ako or medyo takot ako sa mga response ng tao.
“Pero at the same time, I am very, very proud of what we did here and of what I did here.
“I’m excited, I’m excited din to see this film. I hope everyone likes it.”
Sensitibo ang tema ng pelikula tungkol sa buhay ni Ninoy Aquino, na ginagampanan ni JK Labajo.
“At first, ang alam ko lang movie. Tapos binanggit nila na, ‘Actually, musical ito.’ Sabi nila, ‘We think you should try it. It’s something new.’
“At first, natakot talaga ako, but I really, really love my role here.
“Sabi ko, ‘You know what, I think this is the right time for me to try new things.’
“At first, sabi ko, ‘It’s just a student.’ I don’t wanna stick to the same role, pero may twist pala yung character ko.
“Bawal kong sabihin kung ano yung magiging twist, pero this advocacy I truly care about.
“Actually mabigat siya, it’s a sensitive topic, but I’m happy to say, I think and I hope I that I portrayed the role right as a victim.”
***
TULAD ng nasulat na namin noong 2019 ay wala ng kontrata sa ABS-CBN si Judy Ann Santos!
Nag-expire ang kontrata niya sa Kapamilya network noon pang ginagawa niya ang ‘Starla’ na umere mula October 2019 hanggang January 2020.
“When I was doing Starla, wala na akong contract with ABS-CBN.
“Then pandemic hit. Then they gave me Paano Kita Mapapasalamatan which I am grateful for, considering na wala akong contract and yet ako ang kinonsider nilang host,” kuwento ni Judy Ann sa mediacon ng gagawin niyang horror film na The Diary Of Mrs. Winters.
At kahit wala siyang existing contract ay patuloy sa pagiging Kapamilya ang aktres.
“Well, actually, nung nag-expire yung contract ko with ABS-CBN, it’s something na di naman ako masyadong… parang okay lang.
“Kailangan ko rin naman ng chance na ipahinga yung utak ko.
“With ABS-CBN naman, I have a very honest and open relationship with them when it comes to projects na inihahatag nila sa akin.”
At kahit wala siyang existing contract ay nagpaalam pa rin siya sa ABS-CBN management na may gagawin siyang isang serye na secret pa muna sa ngayon ang mga detalye.
Produced iyon ng Reality Entertainment ng director-producer na si Erik Matti.
Kinausap ni Judy Ann si Cory Vidanes, Chief Operating Officer ng ABS-CBN, tungkol sa bago niyang serye.
“I called up Tita Cory para ipaalam lang sa kanya, para magsabi, ‘I’m gonna make a series outside ABS-CBN.’
“Ipinaalam ko nang maayos. Kasi alam mo yung pakiramdam na wala man akong existing contract with ABS-CBN, yung pakiramdam ko lang na para akong namimindeho ng asawa.
“All my life, I’ve been doing all my teleseryes with ABS-CBN. Ito yung first time na gagawa ako ng hindi under sa kanila, so parang feeling ko lang, medyo nagi-guilty ako so kailangan ko sabihin.”
Kuwento pa ni Judy Ann ay maayos ang usapan nila ni Ms. Vidanes.
“Oh, sobrang na-appreciate ni Tita Cory yung pagtawag ko sa kanya. Sabi niya, ‘Di naman kailangan, Juday, pero na-appreciate ko.’
“Ganun kasi ako, ayoko may nasasaktan ako along the way, especially when it comes to work.
“Feeling ko di worth it na may tao ka matapakan, para lang sa isang proyekto, para lang sa isang malaking talent fee or something.
“Not that I’m saying anlaki-laki ng talent fee ko. Hindi, ah.
“Feeling ko lang yung respeto kailangan ibigay mo nang buo sa mga taong bumuo sa ‘yo.”
Sa ‘The Diary Of Mrs. winters’ ay muling sasabak si juday sa nakakatakot na genre tulad ng mga nagawa na niyang ‘Kulam’, ‘Ouija’ at ‘T’yanak’.
Gaganap siya dito bilang si Charity isang bio-forensic cleaner o tagalinis sa bahay o kuwarto ng isang namatay.
Ex-husband naman niya si Victor na gagampanan ni Sam Milby.
Nakatutuwa rin na muling aarte sa big screen si Liza Diño na gaganap naman bilang kabit ng dating mister ni Charity.
Sa Canada ang kabuuan ng shooting ng moviecat mula sa direksyon ni Rahyan Carlos.
-
RURU, naglalakihan na ang braso at dibdib dahil sa ‘intense workout’; paghahanda para sa ‘Lolong’
BORTANG-BORTA ang pangangatawan ni Ruru Madrid sa isang video post nito sa Instangram kunsaan nagwu-workout ito bilang paghahanda sa pagbibidahan niyang teleserye sa GMA na Lolong. Naglalakihan ang mga muscles sa braso ni Ruru habang nagbubuhat ito ng weights. Kitang-kita rin ang malaking dibdib ng aktor na kinasasabikan na ng nga beking makita […]
-
Sim cards, obligado nang iparehistro
GANAP nang batas ang pagpaparehistro ng sim card, matapos itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ngayong umaga sa Malacanang. Sa kanyang mensahe, sinabi ng pangulo na matagal na dapat itong naisabatas. Isa aniya itong epektibong paraan ng pag-regulate ng mga sim card na karaniwang ginagamit sa mga panloloko o spam […]
-
‘Back-riding’ para sa mga couple, pinayagan na
Inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na ang back-riding sa mga motorsiklo ay pinapayagan na simula ngayong araw, Biyernes, July 10 ngunit para lamang sa mga couple. “Yes, simula July 10 ay papayagan na natin ‘yung back-riding para sa mga couples at ‘yung prototype model na [ibinigay] ni Governor Arthur Yap ay approved na […]