‘Back-riding’ para sa mga couple, pinayagan na
- Published on July 10, 2020
- by @peoplesbalita
Inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na ang back-riding sa mga motorsiklo ay pinapayagan na simula ngayong araw, Biyernes, July 10 ngunit para lamang sa mga couple.
“Yes, simula July 10 ay papayagan na natin ‘yung back-riding para sa mga couples at ‘yung prototype model na [ibinigay] ni Governor Arthur Yap ay approved na ‘yan… ito ‘yung pinaka-prototype na gagamitin natin,” saad ni Año sa panayam.
“Para sa couple lang muna kasi tumataas ‘yung numero… pag couple iisang bahay lang ‘yan…” dagdag pa nito.
Iginiit nito na dapat ay naninirahan sila sa loob ng iisang bahay.
“Whether they are married or common-law husband and wife… boyfriend or girlfriend but they are living in the same household,” aniya.
Mayroon dapat barrier sa pagitan ng rider at pasahero maging ang pagsusuot ng face mask.
“Mayroon siyang barrier in between the rider and passenger pagkatapos mayroon din siyang handle at lalagpas hanggang ulo niya ‘yung barrier para siguradong walang laway na tatalsik,” pahayag pa ni Año.
“Pero ‘yung may mga designs at proposal, patuloy pa rin silang magsubmit sapagkat meron naman tayong TWG [technical working group] na sumusuri diyan.”
Dagdag ni Año, ipatutupad ito sa lahat ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) areas.
“Yes, nationwide ‘yan… both GCQ and MGQC…”
Sa kabila nito, iginiit naman na hindi kasali ang electronic bikes. (Daris Jose)
-
Training program ni Marcial para sa Tokyo Olympics kasado na
Plantsado na ang programa ni Eumir Felix Marcial para sa Tokyo Olympics. Sanib-puwersa ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) at MP Promotions upang masiguro na handang-handa si Marcial bago sumabak sa Tokyo Olympics. Ayon kay MP Promotions chief Sean Gibbons, tinututukan ng coaching staff si Marcial sa kanyang […]
-
ANGELICA, desidido na talagang mag-retire sa paggawa ng teleserye; focus na lang sa movie at lovelife
DESIDIDO na ang 33-year-old actress na si Angelica Panganiban na mag-retire na siya sa paggawa ng teleserye. Noon pang September 2020 unang sinabi ang bagay na ito ni Angelica at inulit niya muli ngayon. “Hindi iyon overnight decision,” sabi ni Angelica sa isang interview. “Ilang taon ko rin […]
-
Slaughter magbababalik na sa Barangay Ginebra San Miguel
MAGBABALIK na sa Barangay Ginebra San Miguel para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup na magbubukas sa darating na Abril 9 ang kontrobersiyal na si Gregory William ‘Greg’ Slaughter. Kinumpirma ni Earl Timothy Cone ang bagong kaganapan sa Gin Kings sa pamamagitan ng Twitter nitong Miyerkoles ng gabi. […]